Flashback #1

13.3K 178 1
                                    


Since I know that medyo nakakalito na ang flashback ng kwentong ito kaya naman ay naisipan kong bigyan ng chapter ang flashback. So guys, ito na para iwas sa lito :) Thank you sa paghihintay ng update.


Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana kung saan kitang- kita ko si Kuya at ang mga barkada niya-- si Kuya Bench at si Kuya Greg. Simula palang bata ay magkakaibigan na sila-- kami palang apat at lagi nila akong tinuturing na princessa-- na bunso nila pero ng magdalaga na ako ay may nagbago sa dalawang kaibigan ko.


Si Kuya Bench ay naging sweet sa akin at si Kuya Greg naman ay naging cold pero hindi ko na lamang iyon inisip.


Marahil ay may rason si Kuya Greg kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin pero hindi ko din maiwasang malungkot. Noon kasi ay lagi kaming magkasama, na sa tuwing wala si Kuya Alfred para ipagtulo ako ng makakain ay dadating siya upang pakainin ako.


Wala naman kasi sina mommy at daddy dahil nasa USA sila kasama ang lola ko kaya naiwan kami ni Kuya dito, ayaw ko din naman kasing umalis ng bansa dahil masaya ako dito.


Habang nakatingin sa kanila ay napansin ko si Kuya Bench na tinignan ako at ngumisi kaya naman ay lumingon din sila kuya sa akin at sininyasan akong lumapit sa kanila pwera nalang kay Kuya Greg na matalim ang pagkakatingin sa akin.


Napalunok ako, hindi ako sanay sa paraan ng pagtitinig niya sa akin pero ganoon paman ay bumaba na lamang ako para kahit paaano ay may kausap naman ako.


Kakatapos ko lang kasi sa assignment ko kaya naman ay nababagot na din ako dito.


First year highschool na ako habang sina kuya naman ay first year college.


Habang naglalakad ako palapit sa kanila ay narinig ko ang mga halakhak ni Kuya Greg.


"Damn bro, she's so hot and of course, wild in bed" namula ang mukha ko sa sinabing iyon ni Kuya Greg, alam ko naman na may pagkaplayboy siya pero hindi ko inisip na aabot siya sa ganoon.


"Nako bro, you screwed another virginity huh? Pano na kapag nag- asawa ka na? Edi siya nalang iyong virgin sa inyong dalawa?" ani kuya Alfred at humalakhak na naman.


"No bro, wala akong planong magpakasal" seryoso ang pagkakasabi nito kay Kuya Fred.


"Eh itong si Bench naman, may na hook up kabang babae kagabi?" magsasalita na sana si Kuya Bench pero nagpakita na ako kaya naman ay napangiti ito sa akin.


"Oh halika dito princess, tabi tayo" sa sinabing iyon ni Kuya Bench ay pinanlakihan siya ng mga mata ni kuya Alfred pero tinawanan niya lamang ito.


"Wag kang mag- alala Fred, I love your sister at hinding- hindi ko siya sasaktan" at sa sinabing niyang iyon lahat ay nagbago. Mas pinakita ni Kuya Bench sa akin na mahal niya ako hanggang sa unti- unti na din akong nahuhulog sa kanya.


Gabi- gabi ay lagi siyang nasa bahay namin pero kahit kailan ay hindi siya pinagbawalan ni Kuya. Gabi- gabi ay may dala siyang bulaklak at regalo sa akin hanggang sa dumating ang araw na inaya niya akong lumabas.


"Okay lang ba sayo kuya?" Tanong ko pa kay Kuya Alfred habang hinihintay namin si Bench. Ngumiti naman si Kuya at tumango.


"Okay lang sa akin basta si Bench. Kilala ko siya at alam kong mabait siyang tao. Aalagaan ka niya at alam kong hindi ka niya sasaktan" napangiti na lamang ako sa sinabing iyon ni Kuya. Alam ko naman iyon at masaya ako sa piling ni Bench.


"Hello there pretty lady" napangiti na lamang ako at hinalikan siya sa pisngi. Nagpaalam na din kami ni Kuya at doon na nagsimula ang lahat.


Akala ko simpleng dinner lang iyon pero ng inaya niya akong sumayaw, bigla na lamang akong kinabahan hanggang sa nakita ko si Greg sa malayo.


Halos hindi na ako makahinga sa lakad ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nasasabik akong makita si Greg. Kaya lang, ang akala kong si Greg ay hindi pala.


Inabot niya ang bulaklak kay Bench na ngayon at nakaluhod na pala sa harapan ko.


Gamit ay microphone ay doon niya sinabi ang gusto niya.




"Mahal na mahal kita Ella. Will you be my girlfriend?"


Iyan ang mga salitang nagpabago ng lahat. Dahil magmula ng sinagot ko si Bench ay nawala nalang din na parang bola si Greg, pero hindi ko na iyon inisip pa dahil masaya akong kasama si Bench.
 Ni hindi ko na din inalala ang naramdaman ko ng makita ko si Greg na palapit sa akin. Kinalimutan ko na lamang ang pakiramdam na iyon.


"I love you"  Napangiti na lamang ako at hinalikan siya.


Dahil masaya na ako sa piling ni Bench.



Sa halos isang taong magkarelasyon kami ay ni minsan hindi ako pinigilan ni Kuya, mas masaya nga siya dahil si Bench pa ang naging boyfriend ko hanggang sa dumating ang kaarawan ako.



May kaonting salo- salo sa bahay namin at habang nagsasayahan ay may isang malamig na boses ang nagpatahimik sa ingay na iyon.



"I'm back bro" lahat ay napalingon sa kanya at maski ako. Nakatitig lamang ako sa kanya at doon ko napansin ang kanyang pinagbago. Wala na ang dating Kuya Greg ko dahil ngayon ay nakatayo sa harapan ko si Greg-- Ang isang tunay na Greg Greene.



"Didn't you missed me princess?" May panunuyang sabi niya pero binaliwala ko lamang iyon at niyakap siya. Miss na miss ko na din ang isang lalaking nagpapasaya sa akin noon. He is my crush since then.



"Oh I miss you too little girl" aniya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin, si Bench naman ang binalingan niya.



"Welcome back bro" nakangiting sabi nito sabay nag man hug sila.


The Dirty Night (Run Away Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon