Flashback #4

8.7K 123 1
                                    


"Welcome to Cebu" iyan agad ang nasabi ko ng makalabas na ako sa airport. Atlast, nakarating na rin kami.


"Let's go there, my friend is waiting for us" tumango na lamang ako at nagtitingin- tingin. Si Greg kasi ang may dala lahat ng bagahi namin.


"Hello?" Agad akong napalingon kay Greg ng marinig ko siyang nag- salita. Akala ko naman ay nakita na niya iyong kaibigan niya, kaya lang phone niya ang kausap niya.


"What?... Fine I understand. Yeah, I know how... Oh right, thanks dude see you" nilingon ako ni Greg matapos ang tawag na iyon.


"Well, my friend isn't available today since they have many tourist that's why we will go there by our own strategy" napakunot naman ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin?


"He suggest that we take a taxi to the terminal before going to the Pinamungahan"


"What do you mean? Mag co- commute tayo?" ngumisi siya tsaka tumango. Napabuga na lamang ako ng hangin. Never ko pa iyong na try dahil lagi nga akong hatid- sundo ng Kuya ko kaya naman itong gagawin namin ay nakaka excite.


"Yes, we will use a bus going to Pinamungahan" tumango ako at pumara ng taxi.


"Excited ako alam mo ba 'yon?" sabi ko sa kanya ng makasakay na kaming dalawa.


"It is so obvious Princess, anyway... please take us to south bus terminal" tumango iyong driver at pinaandar na ang sasakyan. Along the way ay medyo inantok ako kaya lang hindi ako natulog, nakatingin lamang ako sa labas. Admiring the Cebu City.


"Ang cool naman nito. Lahat ng paligid ay may naka paint, and guess what? It is looks like a crayon" masayang sabi ko kay Greg, wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin niya at nagmumukha akong bata eh sa nagagandahan kasi ako.


Iyong mga pader kasi nila ay imbes vandal ang nakalagay ay isang abstract painting ang nakalagay.


"Sleep for now Ella" saway sa akin ni Greg pero inismiran ko lang siya.


"C'mon, there's another nice place along the way to Pinamungahan, no more cities spot but a usual province spot" napairap ako.


"Ano naman ang ipapakita mo sa akin? Mga kahoy?" umiling na lamang siya kaya naman ay inayos ko na ang sarili ko. If he want me to sleep then fine, mas mabuti nga iyon para kapag andoon na kami sa resort ay maglilibot agad ako.


After an hour ay nakarating na rin kami sa terminal. Kaya lang, agad na napakunot ang noo ko ng makapasok kami. Ang init naman kasi tapos ang dami pang tao.


"Oh Toledo! Toledo!"


"Balamban dae? Tara diri oh!"


"Asturias maam? hapit na mo andar" (malapit ng umalis)


"Pinamungahan! Pinamungahan!"


Mas marami pa diyang ang sigaw na naririnig ko. Agad akong napapailing. For sure, this will be so unforgettable.


"Boss, where is the bus to Pinamungahan?" Agad na napakunot ang lalaking kausap ni Greg.


"Ha? Unsa imong giingon?" (Anong sinasabi mo?) inilibot ko ang paningin ko at hinanap iyong sumisigaw ng pinamungahan.


"Tara Greg, I already saw it" sinukbit ko ang bag ko at agad na hinila siya. Nagmamadali kaming pumasok sa loob dahil mukhang paandar na rin iyong bus.


Pagpasok namin ay buti nalang may mauupuan pa kami.


"Asa sir?" (Saan sir?) nilingon ko si Greg at nakakunot na naman iyong noo niya kaya nilingon ko iyong lalaki.


"Pinamungahan po" tumango siya at kinuha ang pera ni Greg.


"I so hate this, if only Argos can make, I rather go with him than doing this commute" bulong niya pa kaya inirapan ko siya. Masaya kaya ito.


"F-fuck" agad kong nilingon si Greg at halos matawa ako ng makita ko ang hitsura niya. Siksikan na kasi sa bus, may nakatayo na rin at saktong ang pwet ng lalaking nakatayo ay nasa may mukha niya.


"Hindi na talaga ako uulit nito" ngisihan ko siya ng lumingon siya sa akin.


"Seriously Ella? You're making fun of me huh!" umiling ako kaya lang hindi ata siya naniniwala dahil inakbayan niya ako.


"Know what princess? I want to kiss you right now as a punishment but since I hate PDA, I wont do that" tinulak ko siya at lumingon na sa labas ng bintana.


Muntik ko ng makalimutan. I am not single anymore. May boyfriend na akong tao and Greg-- sumama lang ako sa kanya dahil ayaw kong mag- isa sa bahay.


Pero bakit ganito? Tuwing kasama ko siya, nakakalimutan ko si Bench. Argh! This is not so good.


"Hey, just sleep. I will wake you up once we will get there" tumango na lamang ako at pumikit. I need this too para naman hindi ko siya maramdaman. Kahit na gusto kong pagmasdan ang lugar ay hindi ko na muna gagawin. I needed to keep my distance away from Greg.


A/N: Malayo pa ang flashback dahil nahihirapan akong isulat 'to ng mataas ang skip ng scene kaya I take one step at a time. Ang plan ko ay nasa 2-3 flashback lang pero ang pangit tignan so, ito na nga siya, malayo- layo pa bago makabalik sa present.

The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now