Dirty #6

12.5K 253 5
                                    

Una sa lahat sorry dahil hindi ako nakapag- update. Tinapos ko pa kasi ang ibang story ko.Dedicate ko ito kay @Crazypreciousblue29 heto beh, at mag uupdate ako ngayon. Kahit ngayon lang hihi :D


"So is everything's clear?" Tanong sa akin ni Bench ng matapos na kami sa mga bilihin namin. Gaya nga ng pinag- usapan namin, sa kanya na muna kami titira for a week para naman hindi na muna ako kulitin ni Greg at maihanda ko ang sarili ko.


Alam ko naman na sa ngayon palang alam na niya ang lahat at mas alam kong alam na din ito ni Kuya dahil kanina pa ito tawag ng tawag sa akin, maski ang mga kaibigan ko ay tinatawagan na kaming dalawa ni Bench kaya naka off ang mga cellphone naming dalawa.


"Sa isang unit ko kayo titira for a week para kapag hanapin nila kayo sa akin sasabihin kong hindi ko alam, okay lang ba iyon sa iyo?" aniya at kinarga na ang mga binili namin.


"Yes okay lang iyon sa akin" tanong ko dito at hinawakan si Michael. Mamaya ay makita pa kami ni Catherine. Iyong babae ding iyon nililihiman ako pero okay lang naman sa akin dahil alam ko naman na gumagawa na din siya ng sarili niyang love life.


"Mom, where are we going po? Bakit ang dami nating binili?" Tinignan ko ang anak ko at matapos ay ngitian na lamang ito. Papagabi na din kasi at kailangan na naming umalis dahil malayo- layo pa ang byahe tsaka baka hindi na makabalik si Bench sa unit niya.


"Bench, pakihawak na muna kay Michael mag c-cr lang muna ako" paalam ko dito. Tumango naman ito at kinuha si Michael sa akin. Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang lingonin ang anak ko, ngumiti pa ako ng kumaway ito sa akin bago ako lumiko papasok sa c.r.


Pero ng makaliko ako ay nabangga ako sa isang tao.


"Ay sorry" hinging paumanhin ko dito, sa pagkabungo nito sa akin ay napayakap pa ito. Ng pilit ko itong kinalas sa pagkakayakap sa akin ay bigla na lamang akong may naramdamang kung ano na tumusok sa braso ko.


Tinignan ko ang mukha ng taong nakabangga ko at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang nakangising mukha ni Greg.


"W-what are you doing?" Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya pero bigla na lamang akong nanghina, na para bang inaantok ako at tuluyan na akong nawalan ng malay.



"KUYA, are you sure about this?" gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa, napakabigat ng mga talukap ko.


"Yes I am, just please take good care of my son, sabihin mo sa kanya na nahanap na ng mommy mo ang daddy niya but they still need to talk kaya hindi pa makakauwi ang mommy niya okay ba?" sa kaloob- looban ko, napasinghap ako. I know that voice, it's Greg!


"Okay kuya, but how about Bench? Alam mo naman ang isang iyon, ginawang prinsessa ang asawa mo" gusto kong lumaban pero hindi ko kaya, nanghihina parin ako. Damn you Greg! Ano ang ginawa mo sa akin?



"Don't worry, maiintindihan niya din ako. Besides nakita na niya ang girlfriend niya diba? Kaya hayaan mo na iyon" naramdaman kong umangat ako sa kung saan at maya- maya pa ay inilapag ako sa isang upuan.

The Dirty Night (Run Away Series #3)Where stories live. Discover now