CHAPTER 21: MISS YOU ALEX!

3.7K 81 11
                                    

[SON'S POV] 

Ang tagal naman ni Hubibi ko. Nauna ng umalis sila Bii. 

Nangangalay na ako sa pagtayo dito sa may gate. Hawak-hawak ko yung cellphone ko. Baka kasi magtext si Miku at hindi ko mapansin. 

"Haist!" bumuntong hininga ako. Ang tagal eh. Medyo hindi ako magaling sa paghihintay. 

"Ang lalim ah." 

Napatingin ako dun sa nagsalita at nakita ko yung lalaking nakabunggo ko kanina slash nakita ko sa bahay kaninang umaga slash yung driver ko nung nakaraan na nakangiti sakin. Ang daming slash. Di ko alam ang pangalan eh. 

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring wala akong nakita. 

"uh-oh! Pretending that I'm not here." narinig kong sabi niya at tumabi siya sakin sa pagtayo. Lumayo naman ako ng konti. Baka isipin pa nung mga nakakakita eh may relasyon kami neto. 

"Waiting for someone?" tanong nya. 

Hindi ako nagsalita. Badtrip pa rin ako sa pagpapahiya nung professor ko kanina. Matandang dalaga kasi yun. 

"Are you mute?" 

No response pa rin. Ayokong magsalita at baka kapag nagsalita ako ay magtuloy-tuloy at masisi ko pa siya kung bakit ako na-late kanina. 

"Hey! Ignoring huh?" sabi niya at winave niya yung kamay niya sa tapat ng mukha ko. 

"Ano ba!? Wag mo nga akong madaan daan dyan sa paenglish english mo. Aba! Kahit hindi ako fluent sa english ay naiintindihan kita." tumigil ako saglit sa pagsasalita. At nag-inhale "At tsaka kung di dahil sayo hindi ako malelate kanina kung hindi mo ako binunggo at kinausap. Alam mo ba ang nangyari? Ha!? Pinahiya lang naman ako ng Professor ng dahil sa five minutes late at kasalanan mo yun. Kaya wag mo akong makausap-usap ngayon!! Badtrip ako!! Kaya kung ayaw mong tuluyan akong mabadtrip sayo ay tumahimik ka dyan or much better lumayo layo ka sakin. Get lost!!" Di ko na kayang pigilan ang di pagsasalita eh. Kasalanan nya yun. Ang kulit eh. Pinagtinginan tuloy kami ng mga dumadaan. 

"may LQ ata." bulong nung isang dumadaan sa kasama nya. 

"Oo nga. Sigurado magdidiwang ang mga girls kapag naghiwalay sila." sagot naman nung isa. 

Tss! Bulong pa ba tawag dun eh naririnig ko naman. Tiningnan ko nga ng masama yung mga nagbubulungan. 

"How far?" tanong nya na parang wala lang yung sinabi ko. Ang haba-haba nun pero no effect!! 

Ggrrr! Nakakapag-init talaga ng ulo. 

"Tse! How far, how far ka pa dyang nalalaman!" pagtataray ko. Cover up lang yun. Kung hindi lang ako naiinis ay 'ha?' ang maisasagot. Eh di ko naintindihan yung how far nya eh. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon