CHAPTER 26: MAMA!

3.2K 83 10
                                    

[SON'S POV]

Ang sweet ng Miku ko no? Sana lagi na lang siyang ganun. Madalas kasi ang cold nun. Tahimik pa minsan pero sanayan lang yun. 

Tiningnan ko yung ring na bigay sakin ni Miku. Hindi ko to tatanggalin kahit kailan. Iintayin ko to na palitan nya ng engagement ring and then wedding ring. 

Sana mangyari yun. 

Bumangon ako sa higaan ko at lumabas ng kwarto. Nauuhaw ako. 

Malapit na ako sa may kitchen ng may marinig akong impit na dumadaing. Napatigil ako. Kinilabutan din ako. 

Omy! May multo ba sa bahay? 

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kitchen at palakas din ng palakas ang pag daing ng Multo. 

Natatakot ako pero gusto ko ring tingnan. 

 

"ahh!" napapasigaw na sa sakit yung naririnig ko. 

 

"Si Mama ba yun?" bulong ko. Nabosesan ko kasi. 

Nagmamadali akong pumunta sa kitchen. Nawala na ang takot ko at napalitan nagpag-aalala. 

 

"Mama!" sigaw ko ng makitang namimilipit sa sakit habang nasa sahig si Mama. 

 

"Mama, anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba Mama?" natataranta na ako. Di ko na alam ang gagawin ko. 

 

"So-son--" Pilit nagsalita si Mama pero napatikom lang siya ng bibig at pumikit. Impit siyang dumaing sa sakit na nararamdaman nya. Nakahawak siya sa may bandang baba ng belly nya at pawis na pawis ang noo. 

 

"Mama anong masakit sayo??" tanong ko pa rin. Naiiyak na ako. 

 

"Papa!! Si Mama!!" sigaw ko para tawagin si Papa. "Papa!! Bilisan mo!! Si Mama, Papa!" umiiyak na ako. 

Wala akong magawa dito kaya lalo akong naiiyak. Gusto kong may gawin para maibsan kahit papano ang sakit na nararamdaman ni Mama. 

May narinig akong nagmamadaling bumababa sa hagdan. 

 

"Honey!!" sigaw ni Papa at nagmamadali siyang lumapit kay Mama. 

Binuhat nya si Mama at nagmamadaling naglakad palabas ng bahay. Ako naman ay nakasunod. Taga bukas ng pinto ng bahay. 

 

"Son, kunin mo yung susi ng kotse sa kwarto. Nakapatong lang dun sa table dun. Bilisan mo Son." sigaw ni Papa. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Where stories live. Discover now