CHAPTER 41: NOT MY FAULT!

3K 65 5
                                    

[ANGEL'S POV] 

 

"Alam ko na kung sino!" Tim 

Napatigil ako sa pagsubo ko sana ng kinakain ko. Kinabahan ako bigla. 

 

"Who?" tanong ni Kurt. 

Nakatingin silang lahat kay Tim. Nag-aantay ng sasabihin nya.  

 

"Si Angel!" 

Parang tumigil ang mundo! Nagfreeze ang lahat ng bagay. Nabingi ako sa narinig ko. 

Nakatingin na silang lahat sakin pero di ko alam ang isasagot ko. Oo, maldita ako. Oo, masama ang ugali ko pero hindi ako sinungaling pero kapag nalaman nila na ako ang tumulak kay Son sa pool, panigurado, magagalit silang lahat sakin especially si Kurt ko. 

 

"Hahaha! Nagbibiro lang naman ako," tumatawang sabi ni Tim. "Tingnan nyo si Angel, namumutla, hahaha!" 

 

"Baliw ka talaga. Akala ko naman si Angel na talaga." Son 

 

"Tss! Puro ka talaga kalokohan Tim." Drew 

 

"Eh kasi may gusto si Angel kay Mitch. Baka nga siya. Hehe!" Tim 

Inayos ko ang sarili ko. Tinanggal ko ang kaba sa dibdib ko at nagsalita, "It's not funny, Tim." mataray kong sabi. 

 

"Oo nga, Tim. Hindi yan ginagawang biro. Baka mamaya nyan akalain nga nila na si Angel tapos hindi naman pala." Son 

Napatingin ako kay Son. Bumalik ang pagkainis ko sa kanya. Naiinis ako sa kanya dahil nagbabait baitan na naman siya. Halata namang naniniwala siya na ako yung tumalak sa kanya dahil masama ang pakikitungo ko sa kanya. Pinagmumukha nyang siya ang kawawa sa harapan ng mga lalaking to. 

 

"Katabi ko sa higaan si Angel at sabay lang kaming nagising kaya hindi siya yun," sabi naman ni Aina. I really love Aina. Ako lang talaga pinapaniwalaan nya. 

 

"At tsaka, ano namang mapapala ko kung lulunirin ko yang babaeng yan? As if naman na kapag namatay yan automatic na magugustuhan ako ni Kurt." 

 

"Angel!" warning sakin ni Kurt. 

 

"Fine!" sabi ko ng nakataas ang dalawa kong kamay. "I'm full." tumayo na ako at umalis na sa hapagkainan. Nawalan na ako ng ganang kumakain. 

Nakakainis. Hindi ko naman balak lunurin si Son. Gusto ko lang siyang paglaruan. Malay ko ba namang hindi siya marunong maglangoy. Boba kasi eh! Paglalangoy lang hindi pa alam. So hindi ko na yun kasalanan. Ang tanda tanda na eh. Di pa marunong maglangoy. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon