CHAPTER 51: CHRISTMAS WITH YOU

3.2K 65 3
                                    

[SON'S POV] 

Nang matapos na kami ni Mama sa pagpeprepare ng pang noche buena namin ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo. Susunduin kasi ako ni Hubibi para magsimba. Kasama din syempre sila Mama pero yung kotse nila Papa ang gagamitin nila. 

Isang simpleng lacey dress ang sinuot ko. Binili ni Mama for this day. Alam din naman ni Mama ang mga trending na clothes. 

Nang matapos ako sa paliligo ay inayos ko na ang sarili ko. Ayokong paghintayin si Miku at baka tapos nalang yung misa ay papunta palang kami dun. 

Doll shoes ang pinartner ko sa dress. Ayokong mahirapan sa paglalakad. Tama ng sa school lang ako tinotopak magheels. 

Bumaba na ako at nakita ko agad si Hubibi na nakaupo sa may living room. Busy siya sa pagtetext o kung ano man ang ginagawa niya sa cellphone niya. 

Tahimik akong tumabi sa kanya at binigyan siya ng kiss sa pisnge. Gusto ko siyang ikiss eh. 

Tumingin naman sa akin si Miku and he cupped my face and started kissing me on my lips pero pinalayo ko rin siya agad kahit labag sa kalooban ko. 

Pansin niyo? Sa twing kinikiss ako ni Hubibi ay lagi niyang hinahawakan ang dalawa kong pisngi. 

"Matatanggal yung lipstick," nakangiti kong sabi kay Hubibi. Baka magtampo eh. Ngayon ko lang siya tinulak habang hinahalikan ako. 

Ngumiti naman sa akin si Miku at tumayo na siya. Hinawakan niya ako sa kamay. "Let's go." 

"Pero sila Mama?" 

"Nasa labas na. Ikaw nalang ang hinihintay namin." 

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang matapos na ang Mass ay lumabas na kami sa simbahan. Nakahawak ako sa braso ni Miku. 

"Uh? Si Bii yun Hubibi di ba?" turo ko sa may pwesto ni Bii. 

"Yeah. Lapitan natin?" 

Tumango lang ako at lumapit nga kami. 

"Bii, sinong kasama mo?" tanong ko kay Bii ng makalapit kami. 

"Si Dave. Ihahatid niya ako papunta sa bahay niyo. Sa bahay nila siya magnonoche buena eh." 

"Okay, wait nalang kita Bii ha? Magagalit ako sayo kapag hindi ka dumating." 

"Oo na po. Sige na, andyan na yung kotse ni Dave." 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon