CHAPTER 46: MISUNDERSTANDING

2.9K 64 3
                                    

[SON'S POV] 

Dito kami sa cottage ni Hubibi. Kumakain ako habang nakahiga siya sa lap ko. Nahuhulugan nga ng pagkain mukha ni Miku. Hehe. Ayaw nya kasing umalis sa pagkakahiga sa lap ko kaya bahala siya. 

"Umayos ka naman sa pagkain, Princess. Natatapunan mo ako ng mga muyang nyang kinakain mo," reklamo ni Miku. 

"Umalis ka kasi dyan," sabi ko at ginalaw ko pa ang tuhod ko para umalis siya. 

"Wag kang malikot. Kitang natutulog ang tao." 

"Tao ka, Miku?" 

"What do you think? Papatol ka ba sa tao?" sabi nya the he winked. 

"Tss," 

"Pikon? Ikaw ang nagsimula eh." 

"Sinong pikon?" tanong ko. Kinuha ko yung baso na may lamang tubig at uminom. 

"Wifey!" 

"Oh?" tiningnan ko siya at natuluan pala siya ng tubig, "Hehe, kaw kasi eh. Ayaw mong umalis dyan," pinunasan ko ang mukha nya gamit ang kamay ko. 

"Tutulog lang ako, Princess. Wag ka munang magswimming ha? O kaya gisingin mo ako kung gusto mong pumunta sa beach." 

"Okay," sumandal ako sa inuupuan ko at naglaro sa cellphone ni Miku. Iphone eh. Daming apps at ako lang naman ang nagdownload nun. 

"Princess?" 

"Hmn?" 

"Kiss?" 

I formed my finger into look like a lips at idinikit yun sa labi ni Miku. 

"I want the real kiss." 

"Mamaya na. Dami daming tao eh. Baka mamaya nyan may makakita pa." 

"Eh ano naman? Girlfriend naman kita." 

"Mamaya na, naglalaro ako eh." 

"Haist!" tumagilid si Miku at pumikit. Alam kong disappointed siya kaya lang wala ako sa mood. Hehe. 

Naramdaman ko na naging normal na ng breathing nya kaya alam ko na nakatulog na siya. 

Tumingin ako sa labas at nakita ko si Julius na dumaan. Kaya naman dahan dahan kung inalis sa lap ko ang ulo ni Miku. Baka magising. 

Lumabas ako at nakita ko si Julius, malayo na siya. 

"Julius!!" sigaw ko at tumakbo ako papalapit sa kanya. 

Tumigil siya at tumingin sa direksyon ko. 

"Woh! Ang bilis mong maglakad!" hinihingal kong sabi. Nakahawak ako sa dibdib. 

"Yes, Miss Allison?" seryoso netong tanong. 

"Hehe, nasabi mo na ba kila Papa yung nangyari sa akin kanina?" nahihiya kong tanong. 

"Hindi pa po, Miss Allison," magalang netong sagot. 

Napangiwi ako sa pagtawag nya sakin ng Miss Allison at pag.po niya. 

"Bakit ka ba laging naka-Miss Allison dyan? Tapos you're using po pa." 

Ngumiti lang siya sakin. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon