CHAPTER 56: GRADUATION DAY

3.5K 110 6
                                    

[SON'S POV]

 

"Bii, anong oras daw ba graduation nila? Hala! Baka hindi tayo makaabot!" nagpapanic na bulong ko kay Bii. May klase kami ngayon kaya dapat bulong lang. Medyo nakakadaming pansin na ako sa Prof na to eh. 

 

"Oo nga eh. Baka hindi tayo umabot. Three ng hapon ang graduation nila tapos three ang tapos netong klase natin." bulong niya rin. 

 

"Magcutting tayo?" tanong ko. 

 

"Baliw ka ba? Kapansin pansin. Text ko nalang si Dave na malelate tayo ng konti." 

Napanguso ako. "Ayokong ma-late." there were something in me na parang gusto kong sulitin ang mga oras na makakasama o makikita si Miku. Ang ewan lang noh? Hindi naman siya aalis pero gusto ko siyang laging kasama.

 

"Wala naman tayong magagawa." 

Biglang nag ring ang phone ni Professor. Sinagot niya iyon agad. After a long conversation sa phone ay tumingin siya ulit sa aming studyante niya. Isinarado niya ang libro niya. 

Sinimulan ko na ring ayusin ang gamit ko dahil once na sinarado na ni Prof ang book that means tapos na ang pagtuturo. 

 

"There were something came up and it's urgent. So papauwiin ko kayo ng maaga ngayon. Good bye class." kinuha niya ang book niya at nagmamadaling naglakad palabas ng room. 

 

"Yes!" napasigaw ako ng may kasamang pagtayo. Pinagtinginan ako ng mga classmate ko pero who cares? Masaya ako eh. 

 

"Oh tara na Allison." sabi sa akin ni Bii at nauna na siyang maglakad palabas ng room. Sumunod lang ako. 

Bawat hakbang namin ay nagmamadali kami ni Bii. 2:45 na kasi at baka hindi kami papasukin kapag sobrang late. 

Sumakay kami agad ng jeep ng matapos ang mahabang lakaran. Si Bii na ang nagbayad ng pamasahe. 

Nagsimula na akong mag-ayos. I put some powder on my face at naglipstick. Baka kasi makita ako ng Parents ni Miku kaya dapat maganda ako. Medyo nakakaramdam ako ng kaba pero keri lang. 

 

"Para po!" malakas kong sabi ng makita ko na ang mataas na gate ng Cedarwood University. 

Bumaba na agad kaming dalawa ni Bii at nakita naming naghihintay si Dave sa may gate. 

Uh? Si Miku kaya? 

Ngumiti sa amin si Dave. He's wearing blue long sleeve and stripe necktie. Nakasabit sa braso niya ang toga at hawak hawak ang cap. 

 

"I thouht malelate kayo. Di ba three pa dapat uwian niyo?" tanong ni Dave sa amin. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Where stories live. Discover now