CHAPTER 25: COURTSHIP PART 3

3.9K 92 10
                                    

[MIKU'S POV] 

Umupo si Ikey sa harapan ng upuan ko. 

"The third one in courtship is date. Dinner date. Importante yun. Kahit nga tapos na ang courtship nyo need parin ng dinner date eh. Since nasa stage pa lang kayo ng courtship dapat sa restaurant na maganda. Yung mamahalin. O pwede ding sa favorite restaurant niya pero wag dun sa cheap. Mapapasaya siya ng ganun." 

Tumayo si Ikey at nagpahawak siya sa likod ng leeg. 

"Ang daming kaartihan ng babae eh. Pwede namang kahit saan na lang." bulong nya. 

"Makapagreklamo ka naman dyan parang naranasan mo ng manligaw." Sabi ko sa kanya.

"Yun na nga eh. Di naman ako nanliligaw pero ako yung niyayaya. Asa naman silang sasama ako sa kanila. Di naman ako mag-eenjoy dun eh. Kakain lang kailangan sa fancy restaurant pa? Oh come on!" sabi niya at umupo ulit. 

Tumawa ako. Naiirita na siguro si Ikey sa mga nakakadate nya kaya parang inis na inis. 

"Ikaw ang may gusto nyan eh. Good for you!" nakangiti pa ako habang naiinis si Ikey. 

"Mang-asar ka pa dyan. Baka gusto mong di kita tulungan dyan. I know a lot of a girl wants." 

"Naiisip ko na naman yang mga sinasabi mo. Actually, I already reserve a table for dinner date." 

"Why don't you reserve the whole restaurant para kayo lang dalawa ang tao dun. Mas romantic yun." 

Napaisip ako. Restaurant nila Ikey yun eh. I not nga naman di ba? Si Ikey naman ang gagastos.

"Sa restaurant nyo ako nagpareserve Ikey." nakangiti ako sa kanya yung ngiting you-know-what-i-mean.

"Oh? Eh di maganda. Ipasara mo! Dami ka namang pera eh." Sabi niya. Di niya nagets yung ngiti ko sa kanya.

"Ikaw magpasara. Ikaw ang nagsuggest eh."

__ 

"Miku." 

Napalingon ako kay Princess. Nakapink dress siya at itinali nya lang ang buhok nya. Nakadoll shoes lang siya. Ang simple lang g suot niya pero para siyang prinsesa sa paningin ko.

Ngumiti siya sakin. 

Inopen ko yung pinto ng kotse sa loob. Hindi na ako bumaba kanina eh. Huli na dapat pala bumaba ako at pinagbuksan siya sa labas ng pinto. Di ko habit eh. Next time kapag naalala ko. Yun na ang gagawin ko.

Pumasok si Princess at umupo. 

"Hindi ako nakapagpaalam. Wala sila Mama at Papa eh. Tawagan ko na lang siya mamaya." sabi nya sakin. 

"Nagpaalam na ako kanina. Tinawagan ko ang Papa mo kanina bago tayo umalis sa school." Ready ako sa lahat ng ginagawa ko kaya ganun at pumayag naman si Mr. Mercedez.

Nagdrive na ako.

___ 

"Nakasarado ata Miku." sabi sakin ni Princess ng bumaba kami ng kotse sa tapat ng restaurant. 

Hindi ako nagsalita. Ibinigay ko yung susi ng kotse ko sa employee ng restaurant na lumapit sakin para siya na ang magpark.

Tumingin ako kay Princess at hinawakan ang kamay nya. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Where stories live. Discover now