CHAPTER 44: REAL VACATION PART 2

3.2K 73 4
                                    

[IKEY'S POV]

"Ano pa lang pangalan mo?" tanong ni Son kay girlfriend ni Drew. 

"Mabuti pa si Son. Naalalang magtanong, yung iba dyan akala mo walang bagong dating," parinig ko sa barkada. 

Namamahinga muna kami dahil kakatapos lang naming makipagbuno sa mga lamang dagat at manok. Food para sa mga katulad ni Son na slow. Haha! 

"Oh? may tao pala! Ako nga pala si Tim, at your service Madam!" hahawakan sana ni Tim ang kamay ni Girlfriend ni Drew. Pinigilan lang ni Drew. 

"Chelsea pangalan ko! Nice to meet you all!" magiliw na pakilala nila. Kanila lang pala siya nahihiya. 

"So you're the facebook girlfriend? Nice to meet you then, ang tagal kong hinintay na makilala ka," sabi ko, "Bakit hindi na pala kayo nakalinked sa mga facebook niyo? Akala ko tuloy hindi na kita makikilala." 

Umakbay si Drew kay Chelsea, "dahil she's not my facebook girlfriend anymore. She's my girlfriend for real!" 

Nakita ko naman na napangiti si Chelsea sa sinabi ni Drew. Natuwa sa sinabi ng boyfriend nya. 

"Yiy! Kinikilig ako sa inyo." kinikilig na sabi ni Son. 

"May Mitch ka na nga," pang-asar ni Landon sa kinikilig na Son. 

"Oh bakit? Gusto mong makishare? Sige, kung papayag si Hubibi," biro ni Son kay Landon. Yan ang gusto ko kay Son. Kahit anong pang-aasar ang ginagawa nila Landon at Brayden sa kanya ay nagagawa niyang makipag-asaran pabalik. 

"Meron akong sakin! Hindi lang siya pwedeng sumama ngayon!" pagyayabang ni Landon 

"Hay! Bakit kasi hindi sumama si Kaye?" biglang tanong ni Bray. 

"Natakot sayo!" biglang nagsalita si Nathan na kanina pa rin nananahimik. 

"Sa gwapo kong to?" painosenteng tanong ni Bray. 

"Konting pahumble daw naman," Son 

"Ikey, tara! Magsearching sa dagat ng sirena," yaya sakin ni Tim na mang chicks. 

"Baka dugong makita nyo!" Nathan 

"Bakit lagi akong hindi makarelate sa usapan nyo? Nagloloading palang ako tapos nag-iba na naman ang topic!" nakapout na sigaw ni Son. 

Hahaha! Natawa kaming lahat kay Son. Hindi na naman nya kailangang intindihin ang pinag-uusapan namin dahil wala namang mga sense. 

"Wifey, tayo nalang mag-usap. Ganyan naman sila palaging mag-usap. Shifting ng topics."pagcocomfort ni Mitch kay Son. 

"Tayo na nga lang mag-usap," sang-ayon ni Son 

"Aina, tara muna." yaya naman bigla ni Alex at hinawakan nya sa kamay si Aina. 

Napansin ko na medyo lumungkot ang mukha nya pero tinago nya agad yung sadness. Hay! Kahit siguro ipagsigawan ang salitang move on kay Alex wala pa ring mangyayari. 

"Oppa!" napalingon kaming lahat kay Chelsea. 

"Oppa gangnam style?" Landon 

"Sexy lady?" Brayden 

"Haha! Tinatawag ko lang si Mark. Oppa means boyfriend or old brother pero dahil si Mark ang tinatawag ko kay ibig sabihin nun boyfriend!" 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Where stories live. Discover now