CHAPTER 81: MITCHELL KURT MORRISON PART 1

3.3K 75 13
                                    

[Son's PoV]

I am thirty minutes early sa tagpuan namin ni Hubibi (I missed calling him Hubibi.) And this time, alam na niya ang tagpuan namin, alam na niya kung anong oras ko siya hihintayin dahil hindi lang namang ako ang nagdecide nito o ang nakakaalam dahil siya mismo ang pumili ng lugar at oras. Hindi na ito katulad noong si Mr. Don't-know-the-name pa siya; noong gumigising ako ng maaga para lang masilayan siya, noong ako lang ang nakakaalam ng tagpuan namin, at higit sa lahat, noong wala pa akong alam sa kanya ng kahit na ano. 

My Mr. Don't-know-the-name. 

My Hubibi. 

My Mr. Mitchell Kurt Morrison. 

Nine months have been passed and I hope, Hubibi, didn't changes a bit. Sana siya pa rin ang Hubibi ko kahit na ang sama kong girlfriend sa kanya para hayaang mawala ang communication namin for about six months. 

Napatingin ako sa relo ko. Twenty five minutes pa. Alam kong ugali ng mga babaeng nagpapalate sa ganitong date pero hindi naman ako katulad ng ibang babae na sasayangin ang mga minuto na makasama at makausap ang pinakamamahal kong Hubibi. 

Pinakamamahal. Dahil hindi manlang nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya kahit nawalan kami ng communication. At sana... Sana ganun din si Miku. 

Hindi naman ako nag-aalala dahil sa aming dalawa siya itong malawak ang pang-unawa. Siya itong matured mag-isip. 

Si Angel naman, hindi na ata siya nagseselos sa amin dahil sinamahan niya pa ako ngayon. Umalis lang siya para daw makapag-usap kami ng mabuti ni Miku. Napapanindigan niya na ang pangalan niya. 

Twenty minutes. 

Kinuha ko ang maliit na mirror sa handbag na dala dala ko. Tiningnan ko ang refection ko sa salamin kung masyado bang halata na sobra akong excited. 

Fifteen minutes. 

Ano kaya ang sasabihin ni Miku? Nakakaramdam na ako ng kaba. 

Thirteen minutes. 

Bawat minuto parang isang oras. Ang tagal, gusto ko ng makita si Miku. Gusto ko na siyang mayakap. 

Tumayo muna ako para mag-cr. Puro tubig ba naman ako. Tumingin muna ako sa may pintuan ng restaurant at ng masiguradong wala pa si Miku ay naglakad na ako papuntang ladies room. 

I do my things at pagkatapos ay nag-ayos ng konti. Ang OA ko lang, kinakabahan kasi ako ng parang ngayon lang makikipagkita for the first time kay Miku. 

I wonder, how he looks like now. Matagal din ang nine months. Pwedeng tumaba o pumayat siya. 

Bago ako lumabas ng ladies ay tiningnan ko muna ang reflection ko sa salamin at ngumiti. 

Ano kayang gagawin ko mamaya? Yayakapin ko ba siya agad o hahalikan ko? Hihi! Hanlandi ko lang. Siguro yakap lang muna. Ang formal naman kung handshake ampeg namin ni Miku, di naman niya ako kabusiness meeting. 

Mr. Mitchell Kurt Morrison (Come Back... Be here)Where stories live. Discover now