Chapter 6.

21K 549 161
                                    

CHAPTER 6.

Kasama 'ko si Carlo sa cafeteria. True enough, nilibre niya ako. Yung table ng mga kaibigan 'ko ay katapat lang namin. Kasama nila si Coleen. Ugh. Nakakainis talaga ang Anton na 'yan.

"Kaano-ano mo si Anton?" Tanong ni Carlo sa akin.

"Uuhmm." Tinignan 'ko si Anton na nakatitig sa akin. Nagbelat ako sakanya. "Beastfriend."

"Beastfriend?" Natawa siya ng kaunti.

"Oo." Noon beastfriend tawagan namin. Ngayon baby na. Ewan ko kung ano nangyari.

"Bakit beastfriend?"

"Coz he's a beast..." In bed. Joke. Ano ba 'yang pinagiisip mo, Maria Anna Olivia!

"Hahaha! Gaganyan-ganyan ka, mamaya mabalitaan 'ko nalang mafall ka d'yan."

"Nako, malabo."

Naging maayos ang takbo ng first day of school. Masaya ako kasi naging kaclose ko agad ang seatmate 'ko. Yung katabi 'ko pa kasing isa ay isang nerd at hindi namamansin.

"'By, ano tara?" Kinuha ni Anton ang bag 'ko at siya ang nagbuhat nito.

Napatingin ako kay Anton at pabalik kay Carlo, "Uy! Mauuna na ako, ah? See you tomorrow!"

"Sige, see you!" Nagkatinginan sila ni Anton. Yung mukha ni Anton ay mukhang ready na upakan si Carlo but I know he's trying to control himself.

Nagpatinaod ako kay Anton. Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami sa hallway.

"Sila Zara?"

"Let's not wait for them." Matipid na sabi niya. I pouted. Bakit ang cold niya?

Hanggang sa byahe ay tahimik siya at hindi gaanong nagsasalita. Kapag tinatanong 'ko siya ay ang tipid ng sagot niya, okaya ay tatango at iiling lang.

"Ipagluluto kita! Anong gusto mo?" Tanong 'ko nang makarating kami sa bahay nila.

"I'm not hungry." Dumiretso agad siya sa taas.

Pumamewang ako at napanganga. The hell? Samantalang noon paguwi galing school ay gusto niyang makatikim ng luto 'ko!

Sinundan 'ko siya sa kwarto niya. Naabutan 'ko siyang nakaboxers at naglalaro ng dota.

"'Ton..." Malambing 'kong tawag sakanya. Hindi siya sumagot at nakafocus lang siya sa pagdodota niya.

"Anton!" Pumamewang ako sa harap niya pero hindi niya padin ako pinapansin.

Hindi ako nakatiis. Sumiksik ako sakanya at umupo sa kanyang lap. Nakaharap ako sakanya at ikinawit 'ko ang braso 'ko sa liig niya.

"Uyyy. Pansinin mo naman ako! Ano bang problema mo?" He paused his game. Binalingan niya ako and he's dead serious.

"Wala."

"Anong wala! Wala ba sa lagay na 'yan?"

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon