Chapter 12.

17.4K 538 164
                                    

CHAPTER 12.

"Anton.. Bakit hindi ka pumunta sa bahay nung saturday?" I rolled my eyes when I heard Coleen's voice. Eh kasi po, sumama siya sa amin sa Cabanatuan! Hmp!

"Nagpunta kasi akong Cabanatuan kasama si Olivia." Anton answered truthfully.

"Sana sumama nalang din ako! Maganda ba 'don?" Anong sama? Di ka welcome 'dun! Lul!

"Oo sobra. Nakakaenjoy yung falls."

Late dumating si Carlo. Sakanya 'ko nalang binaling 'yung atensyon 'ko dahil napipintig ang tenga 'ko sa boses ni Coleen. Nakakairita.

"Kamusta sa Cabanatuan?" He asked. 'Di ko alam kung paano niya nalaman, maybe he heard from Coleen.

"Okay lang. Nakita ko ulit mga kapatid 'ko." Napangiti ako nang maalala sina Ate Olive at Kuya Oliver. Kailan kaya sila makakauwi?

Nang dumating ang teacher ay nagconcentrate nalang ako sa pakikinig. Ayaw 'ko na magkaroon ng bagsakin na grade. If possible, ayoko magkaroon ng line of 7.

Kasama 'ko magbreakfast sina Zara, Sasha at Carmela pati ang mga kaibigan ni Anton. Wala silang ibang tinanong kundi ang anong ginawa namin sa Cabanatuan.

"Paano, nag-abort mission agad si Anton nung nagtatampo na si Via." Tumawa si Tashi at Javier at naghighfive.

"Wala tayong magagawa, underdog eh." David.

"Wala ba talaga kayong relasyon?" Tanong ni Allen at uminom ng juice. "Promise 'di naman namin pagkakalat. Kaibigan niyo kami."

Nanatili akong tahimik. Hindi 'ko alam kung ano talaga kami ni Anton... All i know is we're more than just beastfriends... Mas higit pa kami 'don. I'm aware of that.

"Alam niyo, kung kami ni Via, ipagsisigawan 'ko naman 'yon sa buog campus." Ani Anton. "Pero hindi.. Hindi pa talaga kami."

"Pa? So may possibility?" Zara.

"Oo naman! Diba baby?" Inakbayan ako ni Anton at mabilis na hinalikan sa pisngi. "Naku wag 'kang magpacute d'yan! Kiss ulit kita d'yan eh!" At marahan niyang kinurot ang aking pisngi

Inamag siguro dahil sa kilig ang mga kaibigan namin. Ngumiti lang ako and I rolled my eyes. Botong boto talaga sila sa amin.

Nang mag uwian ay dumiretso kami sa gymanasium ni Sasha. Ako ang president ng aming org kaya bawal akong umabsent.

May mga newbie na nag-audition last week kaya kailangan nila ng subsob na training katulad namin ni Sash nung 1st year palang kami.

"Ate Via may hahabol daw sa audition.." Ani Trisha.

I raised my eyebrow, "Hindi ba siya informed na hanggang last week lang 'yong auditions? Sino ba 'yan?"

"Coleen Dimaandal po from your section."

Agad na tumaas ang dugo 'ko. How could that bitch!?

"Uyyy Via!" Naka shorts, sneakers, loose top at snap back pa siya. Ready mag audition ang gaga.

"Coleen I don't accept newbies anymore. Hanggang last week lang 'yon."

"Pero okay lang naman kung ipasok mo ako sa Cheerleading.. Marunong din ako mag-gymnast." Nagpacute pa siya sa akin.

"Ate Via nagquit si Ate Hazelle kaya kulang tayo sa stunts." Ani Trisha. Updated talaga etong secretary 'ko.

"Oh! Yun naman pala, eh!" Pumalakpak pa si Coleen. Ugh! Annoying!

I crossed my arms, "Split."

Halatang nagulat siya.. "What? Naka maong ako—"

"If you're a cheerleader it doesn't matter what kind of attire you're wearing. If 'di mo kaya, you're free to leave and we'll just find someone better." Pagtataray 'ko. I just don't like her near me!

"Gagawin 'ko..." She said and sighed.

Nagsplit siya pero halatang nasasaktan sa pagitan ng hita niya kaya hindi straight ang legs niya.

"Next, do the scorpion stunt."

"What? Via sumali ako dito para matuto—"

"Kaya mo? O hindi? Dali! You're wasting my time! May training pa kami can't you see?" Tinuro-turo ko pa sakanya ang aking wrist watch.

Maluha-luha siyang ginawa ang scoropion stunt. Hindi diretso kaya I rolled my eyes on her.

"You sure na gusto mo sumali dito?" I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay.

Umayos siy ng tayo at mabilis na tumungo, "Gustong gusto!"

I rolled my eyes for the nth time. Nakakairita siya.

"Sorry, but you're not qualified." Tinalikuran ko siya at hinarap ang mga kagrupo ko. "Training na! Get your own mats!"

_________________________________

I might delete this story.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon