Chapter 22.

16.7K 508 84
                                    

CHAPTER 22.

"S-seryoso ba 'yan, Via?" Nagpipigil siya ng ngiti at inakap ang baywang 'ko.

I sighed at tumango, "Obsessed na obsessed ako sa'yo. Alam mo ba 'yon? Takte ka. Ginayuma mo 'ko noh?" I joked.

Nanahimik siya at niyakap lang ako ng mahigpit. He's planting kisses on my bare back, "You made me so happy baby.."

"Ikaw, you made me so happy for almost... 9 years. Thank you Anton. Salamat kasi tinanggap mo ako ng buong buo. You know all my flaws and you chose to stay and love me despite those imperfections i have."

I couldn't be more than blessed. He's too precious. And thank heavens, he's mine.

"Paano ba 'yan.. Edi liligawan na kita?" He raised his eyebrow.

Bigla akong kinabahan. Hindi pa ako ready sa commitment pero para kay Anton... "Kahit 'wag mo na ako ligawan. Gusto mo mag on na tayo?"

Napahalakhak siya sa sinabi 'ko at piningot ng marahan ang ilong 'ko, "Olivia ang isa tulad mo, dapat pinaghihirapan."

"Kahit naman paghirapan mo ako wala kana makukuha. Kahit kasi nung mag bestfriends palang tayo nagagawa na natin 'yong mga bagay dapat na ngayon palang natin ginagawa."

"Pero importante padin sakin na mag-effort ako—"

"Hay nako, ilang beses kana nag effort sa kin and hindi na ako hihiling ng higit pa 'don—"

"Basta Olivia, liligawan kita. Sa ayaw at sa gusto mo."

"Pero, sinasagot na kita. Mag-on na tayo. Okay? Sige ligawan mo ako basta mag on na tayo from now on."

Napatulala siya habang nakatitig sakin at nakangiti. Ano kayang nararamdaman niya? Na finally, after the long wait ay nahulog nadin ako sakanya!

"Kakaiba ka pala magmahal noh." He chuckled and interwined our hands together. "Tulog na tayo? May classes bukas.."

"Eehh. Late na tayo pumasok. Please? Break time na."

"Okay, love." Hinalikan niya ang pisngi ko

Sumandal ako sa dibdib niya habang magka-interwine ang mga kamay namin. Tahimik lang kaming dalawa. Sobrang saya ko ngayon. Legal na kami kay Mommy, bukas sasabihin ko agad na kami na ni Anton.

Hindi kami natulog sa kama. Pagkagising ko ay andon padin kaming dalawa sa swing sa balcony. Ginising ko siya at pinaligo. Pagtapos niya ay ako naman.

"Olivia! Breakfast is ready!" Kumatok si Mommy sa pinto 'ko. "Late na late ka na!

"Okay 'my! Breaktime po kami papasok!"

Pagbukas ko ng pinto ay nanlaki ang mga mata ni Mommy nang makita si Anton sa likod 'ko.

"Goodmorning po, Ma." Nagbeso si Anton kay Mommy.

"Good morning 'din. Andito ka pala? Handa na ang breakfast. Halina kayo. Mommy smiled at naunang bumaba.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko tatarayan ni Mommy si Anton pero hindi.

Mapayapa kamin kumain kahit medyo tahimik si Mommy at kami lang ni Anton ang nagdadaldalan.

"Mommy..." I interwined my hands with Anton's. "Kami na po."

Napatitig sa akin si Mommy, sa kamay namin at pabalik sa akin, binalingan niya din si Anton, "K-kailan pa?"

"Kanina lang pong madaling araw." I smiled.

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon