Chapter 34.

16.9K 455 67
                                    

SPG ng slight. Minsan lang to.

CHAPTER 34.

Pagtapos sukatan ni Coleen at Anton ay pinapili na namin ng designs si Coleen. Napili niya ang design ni Sasha kaya nagsimula na kaming mag gupit ng artificial wings at dyaryo. 'Don sa may balcony niya kami banda gumawa para daw hindi kumalat ang kwarto. Lol! Arte! Pwede naman linisin!

Maya't maya ang sulyap 'ko sakanila. Nagkakabisado sila ng maikling introduction speech tungkol sa mga sinaunang tao. Pinapractice din nila kung paano lumakad. Nakikita 'kong medyo naiilang si Anton dahil sobrang ikli ng short at yung neckline ng sando ni Coleen ay pababa ng pababa.

"Bakit ba hindi ko magawang makipag eye to eye sakin?" Naka smirk na tanong ni Coleen. Pag ako nabanas! Pag ang pasensya ko naubos! Nako!

"Anong hindi? Nagagawa ko naman." At tumitig sakanya si Anton. Theyre getting intimate! Damn it!

"Naakit ka noh?" Ikinawit ni Coleen ang kanyang braso sa liig ni Anton.

"Ano ba Coleen.. Hindi! Ano ba bumitaw ka nga!" Tinatanggal ni Anton 'yung kamay niya pero humahalakhak si Coleen at mas lalo pang hinihigpitan.

"Suuus! Pakipot ka pa!" Lumayo siya kay Anton at humiga sa kama. "Kung wala siguro 'yang girlfriend mo siguro alam mo na kung anong pwedeng mangyari satin ngayon."

For fuck's sake! Kitang kita na yung singit niya!

Hindi ako nakatiis. Naglakad ako papasok sa kwarto niya. I grabbed Anton's collar at hinalikan siya ng mariin. Naramdaman ko ang pagngiti niya, niyakap niya ang bewang 'ko at gumanti ng halik.

Humiwalay ako sa halik and cupped his cheeks, "Sarap naman ng boyfriend ko!" I kissed his lips one last time, "Namiss kita bigla. Sige na, tuloy natin mamaya ah?" I winked.

Ngumiti ako kay Coleen, "Ang sarap. Sayang hindi mo pwede tikman." I pouted at bumalik sa trabaho 'ko. Nakipag-highfive sakin ang mga palaka 'kong kaibigan at tawang tawa sila sa nangyari.

"Grabe Via! You nailed it!" Halakhak ni Sasha.

Nagtext sa akin si Mommy na nasa bahay na siya at may surpresa daw siya sa akin. Nagmamadali akong umuwi dahil 'don. Ano naman kaya ang surprise sa akin ni Mommy?

"SURPRISE!!" Halos maiyak ako nang makita ko si Ate Olive at Kuya Oliver. Sinalubong ko silang dalawa ng mahigpit na yakap.

"Finally! Nakauwi nadin kayo!" Tuwang tuwa 'kong saad.

"How's my baby? Namiss kita ah." Hinalikan ni kuya Oliver ang noo 'ko.

"Okay lang naman, Kuya. Namiss din kita."

"We booked a trip to Palawan for 2 days! Yaaay! Pack your things now bunso, we'll leave ng mga uhm.. 4 am." Excited na sabi ni Ate.

Excited ako pero naalala ko agad si Anton. I won't be able to see him for 2 days! Hmp!

Nagtext ako sakanya na mag face time kami at agad naman siyang nagonline.

"By, magpa-palawan kami." Pagpapaalam ko sakanya.

"Hmm. Kelan alis niyo?" Nalungkot ang tono ng kanyang boses. Aww, my poor baby!

"Bukas po ng 4am—"

"Ha! Ang bilis naman! 'Di man lang kita makikiss.." He pouted.

"Mabilis lang naman 'yun." Humalakhak ako. "Maging loyal ka ha? Lagot ka sa akin kapag nalaman kong nambababae ka."

Ang gago kong beastfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon