Chapter Ten

1.5M 19.2K 4.6K
                                    

My head hurts. I felt like the pain was pounding through my skull. And I don't want to get out of bed. Hindi ko nga mabuksan yung mata ko. I just want to sleep all day. Pero bigla kong naramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa tiyan ko. Gumalaw ito and it pulled me napasubsob ako sa matigas at mainit na bagay. I slowly opened my eyes. Nakasubsob ako sa chest ng lalaki. Napaangat ako ng tingin and I saw Tristan's face. He looks so handsome kahit natutulog siya. I can't stop staring at him. Oh my god! I can't believe this. Magkatabi kaming natulog. Dahan-dahan akong napaupo because I don't want to wake him up naman. Pero impossible yatang magising siya. He is sleeping like a rock. 

Hindi ko napigilan ang sarili ko. I ran my fingers through his hair. It's so soft. Mukhang sobrang himbing naman ng tulog niya kaya sasamantalahin ko na ito. I stared at his full lips. I want to kiss it so badly. Andi, wala ka na ba talagang self-respect. Pero hindi naman niya yun malalaman because he's asleep. Isang kiss lang naman. Just one. I bent my head down and kiss him. His lips are so soft and warm. I felt it moved against mine. Nagulat ako kaya agad akong napalayo. Nakadilat na ang mga mata niya ng tignan ko siya.

"Pinagsasamantalahan mo na ako habang natutulog ako." May halong pang-aasar sa boses niya. I felt my cheeks get hot in embarrasment. 

"S-sorry." Nahihiyang sabi ko. I feel like burying my face on my pillow. 

He just gave me a smile. "Ang dami mong nainom kagabi. Sumasakit ba ang ulo mo?"

Iniba niya ang usapan. Siguro, to make things less awkward.

"A... a little." I answered.

"Sabi ko naman kasi sa'yo huwag kang iinom masyado dahil hindi ka pa sanay. Buti na lang hindi ka ulit nagsuka." I could hint a bit of concern in his voice. Pero baka imagination ko lang yun.

Napansin ko ang mga mata niyang bumaba sa dibdib ko. I realized na nakalabas pala ang cleavage ko sa suot kong top. Tinakpan ko iyon ng mga kamay ko. Parang napahiya naman na umiwas siya ng tingin.

He cleared his throat. "Uh... sige, lalabas na ako. Maligo ka na din para mabawasan naman ang sakit ng ulo mo."

"O-okay." Sagot ko.

Tumayo na siya sa kama at lumabas sa kwarto ko. I tried to remember what happened last night. May mga natatandaan pa naman ako but some are blurred. Natatandaan kong uminom ako because Tristan doesn't want me to drink. Gusto kong magrebelde sa kanya dahil sa pag-reject niya sa akin. I was really hurt! Nag-effort ako ayusan ang sarili ko para sa kanya pero hindi pa rin nag work.

Bumangon na din ako sa kama at kahit nahihiya akong makaharap ulit si Tristan lumabas na ako ng kwarto. I'm hungry and my head hurts. Naghanap ako ng food sa fridge. Kaka-palengke lang ni Tristan kaya maraming pagkain. I don't know what he wants for breakfast. Tanong ko na lang kaya sa kanya. 

"Tristan..." Tawag ko sa kanya sa labas ng kwarto niya. But he didn't answer. So lumapit na lang ako sa pinto niya. I turned the knob and quietly opened the door.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon