Chapter Fourteen

1.6M 21.1K 6K
                                    

Andi's POV

Nanonood kami ni Tristan ng tv. His head is resting on my lap. I gently stroke his hair and looked at him. He's been really sweet to me simula ng mag-confess siya ng feelings niya sa akin. Pero I'm not sure kung ano ba talaga kami. We kiss pero simple and short peck on the lips lang, it's not a passionate kiss we shared noong night na may nangyari sa amin. Boyfriend ko na ba siya? I don't really know how relationships work. I've never had a boyfriend before.

"Bakit?" Tristan asked when he caught me looking at him.

"Nothing." I answered. But I really wanted to ask him kung ano na ba status namin. Pero I don't have the guts. Should I just be contented sa kung anong meron kami? 

Binalik niya ang atensyon niya sa tv. 

"Tristan, how many girlfriends have you had before?" I asked, out of curiousity.

"Hmm... hindi pa talaga ako nagkakaroon ng girlfriend sa totoo lang." Sabi niya. 

"Really?" I'm not convinced. Impossible na hindi pa siya nagkakaroon ng girlfriend.

"Bakit parang hindi ka naniniwala? Hindi pa talaga. Just short flings and casual sex." Sabi niya. Then napaupo siya at humarap sa akin. "Pero alam mo, Andi, may nakilala akong babae. Maganda siya at mabait. Gusto ko na nga yata siya eh. Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin para mapasagot siya? Hindi kasi ako marunong manligaw."

I looked down trying not to cry. God! Meron na pa lang siyang babaeng nagugustuhan. So all those kisses and hugs meant nothing to him? Am I just one of his flings?

His hand held my chin, forcing me to look at him. My vision were blurry with tears. "Andi, bakit?"

Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at umiwas ng tingin. "W-wala. I got something stuck in my eye."

"Ah ok. Gusto kong makilala mo siya, Andi. May date kami ngayon at isasama kita." Sabi niya. What a sadist! He knows naman that I'm inlove with him tapos gusto niyang iharap ako sa babaeng gusto niya! 

"No, thanks. I'll stay here na lang." Sabi ko. Tumayo ako sa couch at lumakad papunta sa kwarto.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang palabas." I heard him say. I ignored him. Who gives a darn about the show. I so hate him. Pinaasa niya lang ako. May pa- I like you I like you pa siya. Yun pala may iba na siyang nagugustuhan.

After a few minutes, kumatok siya sa pinto ko. "Andi, nagtext na siya sa akin. Papunta na daw siya. Kailangan na natin umalis."

"Then go! I'm not going with you. Ayokong maistorbo ang date niyo." Sabi ko.

"Gusto ka nga niya makilala." Sabi niya. What an ass!

"Ayoko! Dito na lang ako." Sabi ko naman.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon