Chapter Thirty One

1M 12.7K 2.7K
                                    

I waited for Tristan the whole night. Antok na antok ako pero hindi naman ako makatulog sa pag-aalala. I could hear the rain and wind outside. I hope Tristan is safe. Sana walang nangyaring masama sa kanya. Sana rin wala siyang ginagawang masama ngayon. He's with four beautiful women! Kanina nga lang kaharap ako nilalandi na siya ng mga babaeng yun ngayon pa kayang wala ako sa tabi niya. 

I looked at the clock, eleven o'clock na wala pa rin siya. 

"One hour na lang baby. Kapag wala pa ang daddy mo, matutulog na tayo." Sabi ko habang hinahawakan ko ang tiyan ko.

One hour has passed, hindi pa rin siya umuuwi. I decided to go to sleep dahil baka makasama sa baby kung magpupuyat ako. Humiga ako sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko. I tried to sleep. I lang oras akong nakahiga at nag-iisip kung nasaan na si Tristan at kung anong ginagawa niya ngayon bago nakatulog.

 Wala na ang ulan ng magising ako at wala pa rin si Tristan. Hindi ako makakain mabuti ng breakfast dahil di ako mapakali kakahintay sa kanya. I decided to take a walk after having breakfast para naman malibang ko ang sarili ko. I don't wanna worry too much baka kasi makasama sa baby namin. 

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pakikipagkuwentuhan kina aling Sonia at aling Emma. Inabot na ng hapon at wala pa rin siya. Nang makaramdam ako ng antok nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at pumasok sa bahay. 

Nagising ako ng marinig ko ang parating na kotse, I quickly got up from bed and looked out the window. Madalim na, gabi na pala. Huminto ang kotse at lumabas si Tristan at Valerie. Sandali silang nag-usap, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. 

Valerie touched Tristan's face and said something. Tristan smiled at him. Tapos pumasok na si Valerie sa kotse at umalis na. Ano ba ang dapat kong isipin? They spent the night together, for God's sake! And now, naglalandian sila sa labas. I tried to hold back my tears.

"Bakit ngayon ka lang?" Nakasimangot na tanong ko pagpasok niya sa bahay.

"Ang lakas ng ulan kaya nagpalipas kami ng gabi sa kabilang bayan." Sagot niya. 

"Kaninang umaga pa tumigil ang ulan bakit ngayon lang kayo umuwi?" I crossed my arms.

"M-may dinaanan pa kami." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"I see you're getting comfortable with Valerie. Too comfortable." Tumaas ang kilay ko. 

"What are you talking about?" Kumunot ang noo niya.

"Sabihin mo nga sa akin ano'ng ginawa niyo habang magkasama kayo?" 

"Wala!" 

"Wala? You spent the night together!"  Hindi ko napigilan tumaas ang boses ko.

"Andi, please, tigilan mo muna ako. Pagod ako." Mahinang sabi niya. Then I heard him sigh.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon