Chapter Twenty Six

1.1M 12.9K 1.6K
                                    

Tatlong araw pa kami nanatili sa ospital bago pinayagan umuwi si Andi ng doktor. Tuwang-tuwa si Andi nang malaman niyang pwede na kami makauwi. Syempre masaya din ako dahil mabuti na ang kalagayan ng mahal ko pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Didith habang nasa ospital siya.

 "Mahal ko, kanina ka pa tahimik." Pumulupot ang mga kamay niya sa leeg ko mula sa likod at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Huh? Ah... masaya lang ako kasi magaling ka na." Humarap ako sa kanya at binigyan ng mabilis na halik sa labi.  Ang totoo niyan natatakot akong magsalita dahil baka hindi ko mapigil ang sarili ko... ang konsensya ko, at baka masabi ko sa kanya iyon. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa'yo."

"Hindi mo naman kasalanan iyon." Sabi ni Andi.

"Kasalanan ko dahil hindi kung naalagaan lang kita maigi hindi ka magkakasakit."

"Stop blaming yourself." Malumanay na sabi niya. "Pareho naman natin hindi ginusto iyon."

"Tinakot mo ako, alam mo ba yun?" Seryosong sabi ko. Naramdaman ko na lang na nangingilid na ang luha sa mga mata ko. "Kapag may nararamdaman ka, magsabi ka sa akin. You shouldn't keep anything from me." 

"Well, right now... I feel like kissing you." Nangingislap ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ko.

Naudlot ang pagtulo ng luha ko at napalitan iyon ng ngiti. Kinabig niya ang ulo ko at hinalikan ako.  

"Ikaw talaga. Kagagaling mo lang sa sakit gusto mo na naman?" Nakangising sabi ko.

"Hindi ah." She blushed. "I just missed your kiss."

Walang nangyari sa amin nang gabing iyon. Bumabawi pa ang katawan niya ng pahinga at nagpapasalamat naman ako doon. Hindi dahil ayokong makipagtalik sa kanya kundi dahil nandidiri ako sa sarili ko. Nandidiri ako sa ginawa ko at pakiramdam ko kapag ginalaw ko si Andi marurumihan siya.

Hahanap lang ako ng magandang tiyempo para mapagtapat ko sa kanya ang nangyari. Ayokong maglihim sa kanya. She's my wife, I owe her the truth. Sana lang maintindihan niya na para sa kanya ang ginawa ko. Ginawa ko yun dahil kailangan. Sana magawa niya pa akong mapatawad. Sana hindi niya ako pangdirihan. Iniisip ko pa lang iyon hindi ko na maiwasan ang mapaluha. Ang dami ko nang napagdaanan pero kahit kailan hindi ko iniyakan ang mga iyon. Pero pagdating kay Andi, pag siya na ang involve, ang bilis kong lumuha.

Pinagmasdan ko lang si Andi habang kumakain siya. She looked at me and smiled. "Why aren't you eating your food?"

"Ang sarap mo kasing panoorin habang kumakain." Sabi ko. Isang linggo na ang nakakaraan mula ng lumabas siya sa ospital at ngayon ay bumalik na ang dating lakas niya. We still hadn't made love. Maraming beses na niyang ipinararamdam na gusto niya pero hindi niya masabi sa akin. Inililihis ko na lang ang atensyon niya sa ibang bagay. Sobrang pagpipigil na nga ang ginagawa ko.

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon