Chapter Eleven

1.5M 19.1K 4.1K
                                    

I really want to throw a surprise party for Tristan. It made me sad when he told me that he never had a birthday party. Gusto ko ma-experience niyang magbirthday. Pero how can I throw him a party when I don't even have any money? I want to buy him a birthday cake tapos may mga food. I'm going to invite our neighbors and his friends. I can call Phoenix, nag-iwan siya ng number niya sa akin. 

Then naisip ko yung offer ni Sasha na magwork sa club niya. That's it! I'm going to work to earn money para sa party ni Tristan! Agad akong nagpunta sa apartment ni Sasha. 

"Hi, Andi." Sumilip siya sa pinto.

I smiled. "Hi. Can we talk?"

"Oo naman. Pasok ka." She opened the door wider. I went inside and she made me sit sa sofa. "Ano'ng gusto mong pag-usapan natin? May chichika ka ba sa akin?"

"Err.. no. I want to know if I can work sa club mo?" I asked.

"Gusto mo magtrabaho sa club?" 

I nodded my head.

"Ay, day! Sigurado akong malaki ang kikitain mo. Palong-palo ang beauty mo! Virginal." Sabi niya.

"When can I start? Kasi I really need money na eh." 

"Pwede ka na magsimula mamayang gabi. Aayusan na lang kita." Sabi ni Sasha.

"Like, what time? Hindi ba pwedeng tomorrow morning na lang kasi kung mamaya dadating na si Tristan and I have to go to bed na pagkatapos namin magdinner." 

"Gaga! Walang club na nagbubukas sa umaga, 'no! Talagang gabi nagbubukas ang club ko hanggang madaling araw." She said laughing.

Hindi ako papayagan ni Tristan. Ayaw niyang lumalabas ako ng apartment sa gabi. Paano ako magtatrabaho sa club ni Sasha? 

"Ano gusto mo pa ba?" Tanong niya.

"Kasi si Tristan eh. He'll get mad at me paglumabas ako mamayang gabi." 

"Eh di tumakas ka. Lumabas ka na lang pagtulog na siya." Sabi ni Sasha.

Yeah... Why didn't I think of that? I'll just sneak out kapag tulog na siya. Saka kapag naka-earn na ako ng enough money para sa party niya I'll stop na naman. 

"S-sige. I'll start mamayang gabi." But why do I feel like it's a bad idea. Nagpaalam na ako kay Sasha. Mamayang aroung 11pm I'll sneak out and go to Sasha's. I'm doing this for him naman saka hindi naman niya malalaman. I'll be home bago siya magising.

I went back sa apartment ni Tristan and continued reading the book he bought for me. Pagkatapos nagluto na ako ng dinner namin kasi paparating na siya. Yes, I know how to cook na. I know my mom and dad would be so proud. Marunong na din ako magwalis saka maghugas ng mga plato at maglinis ng bahay. The only thing na hindi pinagagawa sa akin ni Tristan is yung paglalaba. He washes our clothes with his hands. Wala kasi siyang washing machine. I tried doing it pero nagkasugat ako sa kamay and since then hindi niya na ako pinaglalaba. 

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon