Chapter Nineteen

1.2M 16.9K 1.6K
                                    

After a few minutes tumawag ulit sa phone ni Phoenix si Tristan. Phoenix gave me his phone so I could talk to him.

"Mahal ko, nandito na ako. Hinatid ako nila Wayne." Sabi niya. Natuwa ako ng marinig ko ang sinabi niya. "Pero hindi ako makakapasok d'yan sa ballroom. Baba ka dito."

"Okay, mahal ko. Pababa na ako." Basag ang boses na sabi ko. Ibinaba ko ang cellphone at nagpasalamat ulit kay Phoenix.

Nagmamadaling nagpunta ako sa pinto palabas baka kasi makita pa ako nila mommy. Before I could get out of there, hinarang ako ng dalawang bodyguard.

"Miss Andi, saan ka pupunta?" Tanong ng isang bodyguard.

"I'm just going to get some fresh air. I'll be back." I smiled at them. 

"Inutos ni ma'am Olivia na sundan ka namin kaya sasama kami." Sabi ng bodyguard.

"This is not fair! Why are you treating me na parang prisoner! I just want some fresh air!" I complained. I feel like crying right now. I want to see Tristan so bad.

"Sorry, miss Andi, ginagawa lang namin ang trabaho namin." Sabi nila. Paano kami makakapag-usap ni Tristan kung nakasunod sila sa akin? Masama ang loob na lumabas ako sa ballroom habang nakasunod ang dalawang bodyguard. Bumaba ako sa may lobby ng hotel at nakita ko agad si Tristan. He smiled nang magtama ang mga mata namin. Oh God, I miss him. Bago siya nakalapit I nodded my head as a sign na hindi siya pwedeng lumapit. Naintindihan naman niya agad iyon. 

Umupo siya sa couch ng lobby. Lumapit ako sa kinauupuan niya and I sat at the other end of the couch. He's so close yet so far. Nakatayo ang dalawang bodyguard sa likod ko at binabantayan ako. We have to act like we don't know each other when all I wanted to do was hug him. 

"Excuse me, miss, ano'ng oras na?" Tanong niya sa akin.

Hindi ko naiwasan ang mapangiti when he talked to me. Tumingin ako sa wrist watch ko. "It's 9:30."

"Ang tagal naman ng girlfriend kanina pa ako naghihintay dito." He said habang nakatingin sa malayo. I wanted to laugh. Ang galing pa lang umarte ng mahal ko.

"I'm sure dadating din yun. Or baka nandito na siya, hindi lang kayo magkita." I said.

"Siguro nga. Teka, ako nga pala si Jose... Jose Rizal?" Sabi niya. Hindi ko na napigilan ang tawa ko.

"O, bakit natatawa ka? Hindi ako nagbibiro. Jose... short for Joseph, Joseph Rizal." Painosenteng sabi niya. He really is good.

"Okay, Joseph Rizal. Nice to meet you. I'm Miranda Cordova." I held out my hand to him in offer of a handshake. Hinawakan niya ang kamay ko. His touch sent electricity bolts through my entire body. God know kung gaano ako nagpipigilan na yakapin siya. "Babaero ka rin ba, parang si Jose Rizal?"

The Sex Goddess' First Love [Published under Sizzle]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon