CHAPTER 2

164K 4.2K 128
                                    

CHAPTER TWO

NAPAIGTAD si Hillary nang may tumama na kung ano sa likod niya. Marahas na nilingon niya ang pinanggalingan ng bagay na iyon at isang batang lalaki ang tumambad sa harap niya. Para na itong iiyak dahil siguro sa nanlilisik niyang mga mata.

"Ate, hindi po ako ang nambato sa iyo. May lalaki po kasi kanina, ang sabi po, multo raw po kayo kaya dapat pinapaalis na kayo dito sa resort."

Mas lalo siyang nagalit sa narinig. Tumayo siya at pinagpagan ang suot na maong shorts. "Halika. Ituro mo sa akin kung nasaan ang lalaking iyon para makakita siya ng tunay na multo!" Hinawakan niya ang kamay ng batang lalaki at naglakad patungo sa bandang likod ng katabing rest house. "Nasaan ang nambato sa akin?"

"Iyon po, Ate Hillary. 'Yong maputi po. Kuya Axer po ang pangalan niya," turo nito sa nakatalikod na lalaki.

Tumango siya. "Dito ka lang, ha? Hintayin mo ako rito, okay?"

"Opo, Ate. Huwag n'yo po akong isusumbong."

Umiling-iling si Hillary. "Hindi. Ako ang bahala sa iyo."

Bago siya maglakad ay dumampot muna siya ng bato upang ipambato sa lalaki pero puro buhangin sa bahaging iyon kaya tanging manipis na sanga lang ang nakuha niya. Mabilis siyang naglakad at tinungo kung nasaan ito.

Saktong-sakto, wala itong pang-itaas at naka-summer shorts lang. Hinampas niya ito sa puwitan kaya agad itong napaigtad pero hindi lumingon. Siguro ay iniisip nito na mga bata lang sa resort ang pumapalo rito at gusto lang makipaglaro. Nakita niya na may hawak itong cell phone na nakalagay sa tainga nito. Muli niya itong pinalo, sa braso naman ngayon.

Napaatras siya nang bahagya nang lumingon ang lalaki at makita niya ang buong mukha nito.

"I will call you later, babe. May gagawin lang ako saglit. Bye," paalam nito sa kausap at pinatay na ang tawag. "Alam mo, Miss, wala akong panahon sa mga papansin na babae." Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at tumaas ang isang sulok ng mga labi. "Well, kung gusto mo talaga, puwede naman kitang ikama kahit isang ga—"

Naputol ang sasabihin nito dahil hinampas niya uli ito sa braso.

"Aray! Ano ka ba? Bakit ba namamalo ka na lang bigla?!" Nakakunot ang noo nito habang hawak-hawak ang brasong nasaktan na ngayon ay may pahaba nang galos.

Itinaas niya ang manipis na sangang hawak at itinutok iyon sa noo nito. "First, walang multo rito sa resort at kung mayroon man... ikaw 'yon!

"P-pero ba—"

Idiniin niya sa noo nito ang sanga para patigilin itong magsalita. "Second, hindi ako multo. Understand?"

Tumango ang lalaki at hinawakan ang sanga, kasabay n'on ay ang pagkawala ng sanga sa kamay niya. "Third, sino ba ang nagsabi na multo ka?" tanong nito sa kanya at dumukwang pa sa mukha niya. "Sa ganda mong iyan, tanga lang ang mapagkakamalan kang multo."

"So, tanga ka pala?"

Napasinghap ito at lumayo sa kanya. "Woman, watch your words."

She smirked. "Pagkatapos mo akong batuhin at sabihan na multo, sa akin mo pa talaga sinabi ang mga katagang iyan, Mister?! Anong—"

"Axer. That's my name."

Inirapan niya ito. "I don't care. Hindi ako nagpunta rito para sa pangalan mo. Gusto ko lang sabihin sa iyo na huwag mong tinatakot ang mga bata rito tungkol sa mga multo-multo na iyan."

"Fine. Akala ko kasi multo ka." Kumislap ang mga mata nito. "Maganda at sexy na multo."

Muli na naman nitong pinasadahan ng tingin ang buong katawan niya at hindi niya alam kung bakit bigla siyang nailang sa tingin nito. Nag-iwas siya ng tingin at napadako ang mga mata sa katabing rest house. Napansin niya na wala na ang mga sasakyan sa garahe ng malamansiyon na bahay nito. Siguro ay nagsiuwian na ang mga kasama nito. Pati si Natalie ay siguradong nakauwi na rin.

Pilit na inayos ni Hillary ang sarili at sinamaan ng tingin si Axer. Ang totoo, nawalan siya ng sasabihin dahil busy ang utak niya sa pagkalkula ng buong imahe nito. Ngayon lang niya ito natitigan nang malapitan at masasabi niyang kahit sinong babae ay hindi magdadalawang-isip na maghubad sa harap nito. Ganoon kalakas ang karisma ng lalaking kaharap.

Kung nakakatunaw lang ang titig ay siguradong lahat ng babaeng matititigan nito ay tunaw na at kabilang siya roon. Ipinilig niya ang ulo dahil ayaw niya sa takbo ng kanyang pag-iisip. Oo, magandang lalaki ito pero wala siyang pakialam doon.

"Alam kong guwapo ako. Huwag mo akong masyadong titigan, Miss. Baka magsisi ka."

Bakit naman siya magsisisi? Ang totoo nga niyan, hindi nakakapansisi ang angking kaguwapuhang taglay nito.

"Baka ma-in love ka sa akin. And mind you, you're not my type. Kaya masasaktan ka lang kapag ipinilit mo ang sarili mo sa akin."

Sinipa niya ito sa binti at piningot sa tainga kahit kailangan pa niyang tumingkayad maabot lang iyon.

"Damn it, woman! It hurts! Let go of my ears!"

Agad naman niyang binitawan ang tainga nito. Bakit ba kasi sobrang yabang ng lalaking ito? Akala siguro nito lahat ng babaeng makakita rito ay nahuhumaling agad dito.

Sayang lang ang kaguwapuhan.

"Ito ang tandaan mo, Axer, hinding-hindi ako magkakagusto sa iyo kahit kailan. Tandaan mo 'tong mukhang 'to. Never." Itinuro pa niya ang kanyang mukha.

Mataman lang siya nitong tiningnan. "Baka kainin mo lahat ng 'yan?" Hinawakan nito ang baba niya at inangat nang bahagya upang magkapantay ang mga mukha nila. "Remember this face... no one dare to refuse my charm. It means, nakukuha ko ang lahat sa isang pitik lang at hindi ko hahayaan na sirain mo ang record na 'yon."

Napalunok si Hillary. "I will be that someone who'll break that record. Keep that in your mind." Papanindigan niya kung ano man ang sinabi niya. Wala naman talaga siyang planong makipaglapit sa lalaking ito.

Dumukwang ito sa balikat niya at ramdam niya ang mga labi nito sa ibabang bahagi ng tainga niya. "That's tough and I like it. I can't wait to see you writhe above my bed," bulong nito sa nakakaakit na paraan.

Agad niya itong itinulak. "Bastos!"

Tumawa lang ito. "I like being rude."

Hindi na niya kayang makipagsagutan pa kaya mas mabuti pang umalis na siya.

"Great," sarkastiko niyang sabi at tinalikuran na ito. May kailangan pa siyang gawin at hindi nakakatulong ang lalaking 'to sa kanya.



AGAD na binuksan ni Hillary ang laptop niya dahil may natanggap siyang isang text message mula sa isang malayong kaibigan. Napamura siya nang mabasa ang email niya.

"Hindi puwede 'to. Masisira ang plano," bulong niya. Mabilis siyang tumipa sa keyboard. "Huwag mong hayaang makalabas sila ng bansa. Use our connections."

After sending the message, she immediately turned off her laptop. Wala siyang planong magsulat ng kuwento ngayon dahil okupado ng ibang bagay ang isip niya. Napasubsob siya sa mesa at kinagat ang ibabang labi.

Kailan ka ba magkakaroon ng sapat na lakas ng loob para harapin sila? Ilang taon ka nang nagkukulong at nagtatago pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin magawa ang bagay na pinlano mo? Kung hindi mo kayang gawin, kalimutan mo na lang. Forgive them kaysa naman ganito ka, Hillary. Hindi mawawala ang sakit kung hindi mo magagawang magpatawad, sermon niya sa sarili.

Hindi niya alam na may mga butil na ng luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

Bakit ba hindi niya kayang pakawalan ang nakaraan?

Bakit ba?

EHS 3: His Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now