CHAPTER 11

133K 3.9K 95
                                    

CHAPTER ELEVEN

SINIKO ni Hillary ang kamay ni Axer nang magtangka na naman itong kilitiin siya sa tagiliran. Nagluluto kasi siya at ito naman ay nasa gilid niya at kinukulit na naman siya!

"You're jealous, aren't you?" tudyo uli nito.

Paulit-ulit nitong sinasabi na nagseselos siya samantalang hindi naman. Nairita lang siya sa babaeng cashier na nagpapa-cute dito sa mall kanina.

"I'm not jealous! Ang kulit mo."

"I saw your face. You almost punch the pretty face of that girl because of jealousy."

Pretty? Samantalang mas maganda siya ro'n.

Pinalo niya ito ng sandok sa braso at agad naman itong napangiwi. "Shut up, will you?"

"Sweetheart, umamin ka na. Nagseselos ka."

This time, nilakasan na ni Hillary ang pagpalo ng sandok kay Axer. Hinarap niya ito at pinamaywangan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pigilan na muli na naman itong saktan, saka dahan-dahang bumuntong-hininga. "Umuwi ka na pagkatapos nating kumain, okay? Give me space. Nakaka-suffocate ang presensiya mo."

Natahimik ito at bumalik sa kaninang inuupuan. Siya naman ay nagpatuloy sa pagluluto. Dati, gustong-gusto niya sa isla dahil tahimik ang buhay niya pero nang makilala niya si Axer ay biglang umingay ang paligid.

"Ilang hectire ba ang gusto mong space?"

Napapikit si Hilary sa narinig at napahawak nang mahigpit sa sandok. Seriously? Pero para kasing hindi na ito nagbibiro.

"Huwag ka nang magparamdam mas maganda para tahimik na uli ang buhay ko," sagot niya nang hindi ito tinatapunan ng tingin. Kung nagbibiro ito ay hindi rin niya alam. Pero iyong sagot niya, biro lang 'yon.

"If you really want this, then fine." Naramdaman niyang tumayo ang lalaki. "Hindi na ako magpaparamdam sa iyo."

Napalingon siya dahil bukod sa hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito ay naglakad din ito palabas.

"Hey, Axer! I'm just kidding."

"I know you mean it." Tiningnan siya nito at ngumiti sa kanya pero hindi naman 'yon umabot sa mga mata. "I tried my best to make you fall for me but I didn't succeed. You know how much you mean to me, Hillary..."

Akmang magsasalita siya nang senyasan siya nitong huwag.

"Thank you for making me happy, thank you for teaching me how to love and thank you for the heartbreak." And that, he walked through the door without looking back at her.

Natulos si Hillary sa kinatatayuan nang marinig ang mga sinabi ni Axer. Nagbibiro lang naman siya, bakit sineryoso nito? Hindi niya alam kung susundan ito o hahayaan na lang pero mas pinili niya ang pangalawa. Tutal, noong nag-away sila noong nakaraan ay ang lalaki naman ang laging nauunang makipagbati. At siguradong makikipagbati uli ito pagkalipas ng ilang araw lang.



ITINAPON ni Axer ang hawak na babasaging baso at napasabunot sa buhok. Bakit ba sa dinami-rami ng babaeng nakilala niya, ngayon pa niya hindi makuha ang babaeng gusto? Correction, mahal niya.

Nasa bar siya malapit sa resort dahil gusto niyang makalimot saglit. Ilang beses na siyang nilapitan ng mga babae pero hindi niya lahat pinansin iyon.

Puwera ngayon sa bagong dating.

"Mandy? What are you doing here? Ang layo ng lugar na ito sa bahay n'yo."

Lumapit sa kanya ang babae at kinuha ang dapat sanang babasagin niyang baso uli. "Pang-ilang basag mo na ito? What's your problem?"

EHS 3: His Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now