CHAPTER 17

133K 3.7K 402
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

"HUWAG kang lumapit. Huwag mo akong lapitan." Yakap ni Hillary ang sarili habang nakaupo sa hospital bed. Hindi niya alam kung ilang oras siyang walang malay noong dalhin siya sa ospital. Pagod na pagod ang katawan niya.

Ayaw niyang makita si Axer kasi natatakot siya rito. Natatakot siya na saktan na naman siya nito.

"Ang baby ko?" Muli na namang nangilid ang mga luha niya nang maalala ang sinapit niya at ng kanyang anak sa kamay ng lalaki.

Umiling-iling si Axer na para bang sinasabing wala itong alam sa tinatanong niya.

"Answer me!" sigaw niya.

Doon bumukas ang pinto at iniluwa n'on ang isang nakaputing lalaki.

Agad siyang lumapit dito, hindi alintana ang panghihina ng mga tuhod. "Doc, nasaan na ang baby ko? Okay lang ba siya rito sa tiyan ko?" nag-aalalang tanong niya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito nang hindi ito sumagot, bagkus ay tumingin kay Axer na ngayon ay napayuko at kuyom ang dalawang kamay na akala mo nagpipigil ng kung ano. May mga kaunting dugo rin ito sa damit. Alam niya iyon, alam niyang dinugo siya noong mga oras na marahas siyang inangkin ng lalaki.

"Mr. Wilson, akala ko nasabi mo na?" seryosong tanong ng doktor.

Umiling lang si Axer. "I can't. Hindi ko kayang sabihin sa kanya."

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa dahil wala siyang alam sa nangyayari. "Tell me what happened? Nasan na ang baby ko, Axer? Nasan na ang baby natin?" sigaw na niya na para bang masisiraan na ng ulo.

"Y-you mean, anak ko ang baby?"

Hindi niya inaasahan na pagdududahan nito ang pagbubuntis niya. Lalo tuloy nanikip ang dibdib niya. Siguro dahil nakita siya nito noon na kasama si Paul ay inisip agad nito na maaaring hindi nito anak ang bata.

Ayaw man niyang ipaalam na anak nito ang bata sa tiyan niya ay wala siyang choice kundi sabihin para naman malaman nito ang kagaguhan na ginawa nito sa kanya.

"Anak ko? Anak natin?" tanong uli ni Axer na naisuklay ang mga daliri sa buhok.

Tumango-tango si Hillary at kinagat ang ibabang labi dahil iba ang nararamdaman niya sa mga ikinikilos nito. Hindi, hindi puwede. Hindi niya kakayanin kapag nawala ang baby niya. Ang buhay niya. Ang nagpapasaya sa kanya. Ang dahilan kung bakit bumabangon siya tuwing umaga.

"Hillary, I'm sorry. Damn!"

Umiling siya. "No, Axer. Please don't say that!" Pinunasan niya ang mga luha na dumaloy sa kanyang mga mata. Ayaw niya sa nararamdaman. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. "Baby, anak..." Tuloy-tuloy lang ang pagtulo ng mga luha niya.

"Sorry, hindi ko alam. Hindi ko sinasadya." Basag na rin ang boses ni Axer at mas lalong hindi niya gusto iyon.

"Sabihin mo kung nasaan na ang anak ko!" sigaw niya uli at bumaling sa doktor. "Doc, nasa tiyan ko pa rin siya, 'di ba? Iyong anak ko nasa tiyan ko pa rin, 'di ba?" tanong niya nang paulit-ulit kahit nagmumukha na siyang nasisiraan ng ulo. Kung gulo-gulo ang buhok niya at nakayapak siya ay wala siyang pakialam. Ang mahalaga, malaman niya na nasa mabuting kalagayan ang baby niya.

"I'm sorry, Miss Hillary, pero wala na ang baby n'yo ni Mr. Wilson."

Para siyang inilubog sa tubig na punong-puno ng yelo dahil sa narinig. "Hindi totoo 'yan. Baka nagkakamali ka lang, Doc. Hindi ito puwedeng mangyari." Bahagya siyang tumawa na para bang sinasabing nagbibiro lang ito. "Buhay ang anak ko, buhay siya!" sigaw niya at tuluyan nang napaupo. "Buhay siya. Buhay ang baby ko."

EHS 3: His Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now