CHAPTER 20

136K 3.4K 69
                                    

CHAPTER TWENTY

"MUKHANG gustong-gusto mo ang ipinagawa ko sa iyo," sarkastikong wika niya sa kausap.

Pareho silang nakatayo at nakatingin lang sa kawalan. May hawak itong bote ng alak habang siya naman ay paubos na ang hinihithit na sigarilyo.

"Napatunayan ko na kung gaano niya kamahal si Hillary and I am more than ready to give her to Axer." It was Paul—Hillary's ex-boyfriend.

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo."

"I know how to deal with someone like you."

"What about me?"

Tumingin ito sa kanya na para bang sinasabing huwag na siyang magmaang-maangan kung ano ba talaga siya.

"Hillary will be in good hands. Alam mo kung gaano kamahal ni Axer ang ex-girlfriend mo," sabi niya.

"What about their child?"

Dahan-dahan niyang ibinuga ang usok ng sigarilyo. "Don't worry about that. Leave it to me," sabi niya nang hindi ito tinapunan ng tingin. "Tingnan natin kung paano masaktan ang isang Axer Lance Wilson."

Hindi naman sa galit siya sa lalaki. Gusto lang niya malaman kung hanggang saan ba ang itatagal ng pagmamahalan ng dalawa.

"Ilan na bang couple ang pinakialaman mo ang love life?" nakakalokong tanong ni Paul.

"Gusto mo pakialaman ko rin ang sa iyo?"

"No need. Seriously, ilan na sila?"

"Hmn. Pangatlo sina Axer and Hillary." Itinapon niya ang sigarilyo at tinapakan iyon. "I have to leave. Marami pa akong tatapusin na trabaho." Iyon lang at umalis na siya.

EHS 3: His Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now