CHAPTER 4

147K 4.3K 159
                                    

CHAPTER FOUR

HILLARY automatically threw her cell phone after reading a message from a friend. "You really need to face them. It's been two years now," she muttered while folding her clothes.

Suddenly, she finally decided to do the thing that she had been avoiding for years now. Mabilis siyang nagbihis at bumaba para maghanda na sa pag-alis.

"Manang, aalis po muna ako. Kayo po muna ang bahala dito, ha," paalam niya kay Manang Rosa nang maabutan niya itong naglilinis ng bahay.

"Saan ka pupunta, hija?"

"Babalik po muna ako sa amin." Tipid siyang ngumiti dahil kung maaari lang ay ayaw niyang mabanggit-banggit ang pinagmulan niya.

"Mag-iingat ka, Hillary." Nagulat man ay alam niyang masaya ito sa naging desisyon niya.

"Salamat po." Naglakad na siya papunta kung saan nakaparada ang sasakyan niya.

Nahagip pa ng mga mata niya sa side mirror ang isang pamilyar na pigura na kausap si Manang Rosa. Dali-dali siyang nagmaniobra nang makitang tumatakbo palapit sa kanya si Axer.

Napabuntong-hininga siya. Paano ba naman, tinatapik na nito ang bintana niya. Runner yata ang lalaki dati kaya mabilis tumakbo. Binuksan niya ang bintana ng driver's seat.

"What?" tanong niya nang hindi ito tinitingnan.

"Look at me, sweetheart."

Napapikit si Hillary at marahas itong nilingon. Parang umurong ang dila niya nang makita ang pag-aalala sa guwapong mukha nito. Bakit naman ito mag-aalala? Baka nagkakamali lang siya ng interpretasyon sa mukha ng lalaki.

"Bakit ba, Axer Lance?!"

"Where are you going? Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?"

Napaubo siya sa narinig. Kunot-noong tiningnan niya ito. "At bakit naman ako magpapaalam sa iyo, aber?"

Agad itong nag-iwas ng tingin sa hindi niya malamang dahilan. "Saan ka nga kasi pupunta? Ayaw mo na ba dito sa isla?" Nakahawak ang dalawang kamay nito sa bubong ng sasakyan niya at nakadukwang na sa kanya. Ngayon lang niya napansin ang suot nitong three-piece suit.

"Saan ka ba galing? Bakit ganyan ang suot mo?"

"Galing ako sa meeting at dito ako dumeretso kasi... ano..." He cleared his throat. "Nami-miss kita." Nag-iwas uli ito ng tingin matapos mabanggit ang huling salita.

Lihim siyang nagbilang kung ilang araw na ba silang hindi nagkikita kasi parang hinahanap na rin ng sistema niya ang presensiya nito.

One, two, three, four... five. Limang araw lang pala.

"I don't miss you," she lied.

"I know. Where are you going? Sasama ako." Pilit nitong binubuksan ang pinto ng sasakyan niya.

Pinalo niya ang braso nito dahil nasa loob na iyon ng sasakyan at nabuksan na ang pinto.

Nakita pa niyang napangiti ito. "I told you, sweetheart. No one can stop me."

Napatanga lang si Hillary kahit naramdaman niyang binuhat siya nito sa kabilang side ng upuan.

Lumingon si Axer sa kanya. "Ready? Tell me kung saan tayo pupunta." At tumingin ito sa likuran dahil umaatras ang sasakyan.

Ang bagal mag-react ng katawan niya kasi nakatingin pa rin siya sa lalaki. Kung hindi pa ikinulong ng dalawang palad nito ang pisngi niya ay hindi siya magsasalita.

"P-pupunta ako sa bahay at hindi ka puwedeng sumama."

"Sasama ako." At hinalikan siya nito sa noo, pagkatapos ay nagmaneho na. "Lead me the way, sweetheart."

EHS 3: His Sweetest KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon