CHAPTER 8

133K 3.8K 101
                                    

CHAPTER EIGHT

HALOS paliparin ni Axer ang minamanehong sasakyan dahil sa frustration na nadarama. Hindi niya planong mag-confess kay Hillary pero hindi niya napigilan ang sarili kanina, lalo nang makita at marinig ang mga tawa nito na nagpabilis sa pintig ng puso niya.

"If this is what they call love, then, I'm totally fucked up!"

Mabigat ang loob niya nang lisanin ang restaurant kanina. Kung hindi lang niya mahal ang babae ay kinidnap na niya ito para lang makasama lagi. Pero matino pa naman ang pag-iisip niya kaya hinayaan na lang muna niyang makapag-isip din ito.

Imbes na magpunta sa bar ay pinili na lang niyang matulog. Wala siyang planong makipaglandian sa mga babae ngayon. Kung meron man, gusto niya ay sa sweetheart lang niya.

Liligawan niya si Hillary. Iyan ang planong nabuo sa isip niya bago tuluyang datnan ng antok.

"I will court her until I can make her mine. You'll be mine, Hillary."



ISANG magandang umaga ang bumungad kay Hillary dahil nakatulog na naman siya nang maayos. Pero kasabay ng pagmulat ng mga mata niya ay ang mga bulaklak na nakalagay sa mesita sa gilid ng kama.

Ilang araw nang may nagpapadala ng iba't ibang bulaklak sa kanya. Kada umaga na gumigising siya ay iyon ang bumubungad sa kanya pero wala namang nakalagay kung kanino galing.

Bumangon siya at inamoy ang white tulips. Yesterday were white roses. Napamulat siya nang may card na nakadikit sa bouquet. Kinuha niya iyon at binuklat.

White tulips for a lovely lady who's reading this letter now. Good morning, sweetheart.

Naibaba niya nang wala sa oras ang bulaklak at kapirasong papel. So, lahat ng flowers ay galing kay Axer?

Bago pa mag-isip ng kung ano ay bumaba na lang siya para kumain. Pero pagbaba niya sa kusina ay may nakahanda nang almusal.

"Breakfast is ready."

"W-what are you doing here, Axer?" gulat na tanong niya.

Lumapit ito sa kanya at inayos ang gulo-gulo niyang buhok. "Why don't you sit and eat first? Then after that, puwede mo na akong awayin."

"I don't like you here."

Lumayo ang loob niya rito simula noong gabing mag-confess ito sa kanya. Hindi naman sa ayaw niya sa lalaki, kaya lang ay naiilang na siya sa presensiya nito. Inisip niya nga na sana ay hindi na lang ito nagtapat sa kanya dahil nagulo lang ang utak niya.

"But why? May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?"

"I don't want to see your face. Please, leave."

Ayaw niya itong tingnan dahil pakiramdam niya ay nasasaktan ito sa pag-iwas niya.

"Hey, don't be like that, Hillary. I just want to be with you. Don't worry, hindi kita kukulitin, I promise. Just let me stay."

"I said, leave. Axer, please. Pabayaan mo na ako."

"Why, Hillary? Bakit kailangan kitang iwasan?"

"Because... I don't like you. I really don't."

"I will make you like me just give me a chance." Hinawakan nito ang kamay niya pero agad niyang iniwasan 'yon.

Lumayo siya nang bahagya rito at umiling. "No, Axer, I can't."

Naramdaman niyang napaiwas ito ng tingin na tila ba nagpipigil ng saloobin. "What do you want me to do, Hillary?"

"Just leave and never come back," malamig na tugon niya na hindi man lang ito tinapunan ng tingin.

Tumawa ito nang pagak. "You're impossible!"

"I am."

"Don't let yourself stop loving again. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan dahil hindi mo na maibabalik ang lalaking minahal mo."

Napatingin siya sa lalaki. "Don't say that. You don't know anything."

"I know everything. I know every inch of you. You are weak, you are still hoping for that someone to love you back kahit alam mo sa sarili mong hindi na mangyayari iyon."

Akmang hahawakan nito ang mukha niya pero mabilis siyang nakaiwas. Hanggang kaya niyang iwasan ang pagdampi ng mga balat nila ay gagawin niya.

Tama si Axer. Until now, she was still hoping that her ex-boyfriend would come back to her and love her again. Kahit alam niyang hindi na mangyayari yon.

"Yes, I'm weak. I'm stupid to keep loving someone kahit alam kong hindi niya ako kayang mahalin. Tama ka, mahina ako dahil hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na hindi na ako ang mahal niya. Pero kasalanan ko ba kung siya ang minahal ko? At patuloy ko siyang mamahalin. Siya lang, Axer, siya lang."

Tumingin si Hillary sa mga mata nito at nag-iwas din agad dahil nawala na ang kislap doon na madalas niyang nakikita kapag kinukulit siya ng lalaki.

"I couldn't imagine it would hurt this much. This is crazy," he said bitterly.

'Yong dating ngiti nito, hindi na niya makita. Ibang version na ng Axer ang nasa harap niya. Dati, gustong-gusto talaga niya ang mga tawa at kinang sa mga mata nito pero hindi na niya iyon makita ngayon. Ang tanging nakikita lang niya ay lungkot na bumabalot sa magaganda nitong mata.

"I'm sorry, Axer. You can leave now," wika niya at hinila na ito palabas ng bahay.

Pansamantala niyang pinigilan ang sarili na huwag haplusin ang guwapong mukha nito dahil hindi niya kayang isipin na siya ang dahilan ng paglaho ng ngiti sa mga labi nito.

"We're not done yet, Hillary."

"We're done, Axer." Pilit niyang pinalamig ang boses.

Gusto niya itong pauwiin dahil ayaw niyang makita itong nalulungkot. Kahit siya ay hindi rin masaya sa sitwasyon nila ngayon. There was a part of her that couldn't stay away from his presence.

Bumuntong-hininga ito at muli siyang hinarap. He cupped her face and caught her eyes. "You don't know me, sweetheart. What's mine, is mine, deal with it." Dahan-dahan nitong tinanggal ang mga kamay sa kanyang mukha. "Kung hindi kita makukuha sa santong dasalan, kukunin kita sa santong paspasan."



HINDI na mabilang ni Hillary ang araw na hindi nagparamdam si Axer sa kanya. Simula noon, hindi na rin siya nakakapagsulat dahil parang nawalan siya ng gana. Ayos lang naman iyon dahil hindi rin naman full-time ang pagiging writer niya.

"You told him to stay away from you, so what's your problem?"

Paikot-ikot lang siya sa higaan dahil hindi siya datnan ng antok. Buong araw na inokupa ni Axer ang pag-iisip niya. Hindi niya alam kung nami-miss ba niya ang pangungulit nito o nag-aalala siya baka kung ano nang nangyaring masama rito.

Hindi niya pinansin ang cell phone niya nang saglit na tumunog 'yon. Wala siyang pakialam sa ibang bagay ngayon o sa ibang tao. There was only one thing that mattered and that was her...

"Sweetheart."

Napabalikwas siya at napamura nang ilang beses sa isip. She never called Axer sweetheart dahil nakokornihan siya ro'n.

"Sweetheart," mahinang usal uli niya.

Napatakip siya sa bibig dahil kahit siya lang ang nakakarinig ay nag-iinit ang magkabilang pisngi niya. Ewan ba niya.

Ganito rin ba ang nararamdaman ng lalaki kapag tinatawag siya sa salitang 'yon? Parang hindi naman kasi ipinagsisigawan pa nga nito iyon kahit maraming tao ang nakakarinig.

"Sweetheart... Sweetheart." Paulit-ulit niyang binanggit ang mga salitang 'yon hanggang sa makatulugan na lang niya.

EHS 3: His Sweetest KarmaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora