CHAPTER 12

130K 4K 46
                                    

CHAPTER TWELVE

BALISA, iyan ang tawag sa nararamdaman ni Hillary ngayon. Hindi na nga niya namalayan na mag-uumaga na pala. Ilang oras kasi siyang paikot-ikot sa kama kakaisip kay Axer.

Napabalikwas siya nang tumunog nang malakas iyong cell phone niya at lalong nabuhay ang kanina pang buhay na diwa niya nang mabasa ang text message galing sa kaibigang si Natalie.

Dali-dali niyang itinali ang nakalugay na buhok at humablot lang ng kahit anong madampot sa malaking cabinet para mapalitan ang suot niyang pantulog. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at wallet niya, saka patakbong bumaba sa hagdan papunta kung nasaan ang sasakyan niya.

Hindi niya alam kung ilang mura na ang nasabi sa isip dahil sa sobrang pag-aalala kay Axer. Ang text kasi sa kanya ni Natalie ay nabangga ang sasakyan ni Axer kagabi at lasing daw ito. Sinisisi niya ang sarili kung bakit naglasing ang lalaki kaya tuloy ito naaksidente. Biro lang naman talaga para sa kanya ang sinabi niya rito. But she forgot that Axer was a sensitive person. Kalalaking tao pero para itong nana na kaunting galaw mo lang ay puputok na.

Ang dapat na thirty minutes na biyahe mula sa resort hanggang sa ospital ay naging ten minutes na lang para kay Hillary sa kagustuhang makita agad ang lagay ng lalaki.

"Ano'ng name ng patient, Ma'am?" tanong sa kanya ng nurse.

"Axer Lance Wilson."

Tumingin muna ito sa monitor. "Room 217."

Tumango si Hillary at agad na hinanap kung nasaan ang room number na iyon. Wala pang ilang segundo ay nakita na niya ang nasabing silid kung nasaan ang lalaki. Bumuntong-hininga muna siya bago binuksan ang pinto na dahilan kung bakit ang kaninang mabilis na paglalakad niya ay tila naging mabagal sa tumambad sa kanya.

Ang inaasahan niya kasing lagay ni Axer ay may nakakabit na oxygen dito at puro sugat ang katawan katulad ng mga napapanood niya sa pelikula tuwing may mga car accident na nagaganap. Pero mukhang okay naman ang lalaki at hindi malala ang pagkakabangga. Sa kabilang banda ay nagpapasalamat siya dahil ligtas na ito.

Pero parang tinarak ang puso niya nang makitang may kasama ito roon.

Umupo ang babaeng kasama ni Axer sa gilid ng hinihigaan nito. The woman was very familiar because she was Mandy Lane, the seductive lingerie model.

Ito ang mga type ni Axer. Kahit saang anggulo tingnan ay wala siyang makitang kapintasan sa babae. Kahit pa may mga gasgas na ang mukha nito ay ang perfect pa rin nito sa paningin niya. She used to appreciate other women's beauty. Normal na sa kanya iyon. Pero sa babaeng ito ay tila ba bumaba ang self-esteem niya.

"Ano bang mas bagay, iyong naka-brush up or ponytail na lang?" Mandy asked Axer while fixing her messy hair.

"Brush up, then ponytail para kitang-kita iyong benda sa noo mo at gasgas sa pisngi mo," he answered while chuckling.

See? Mukhang okay lang talaga si Axer kasi nakakatawa na ito.

Umupo si Mandy sa gilid ng kama ng lalaki na naging dahilan kung bakit nag-isang linya ang mga labi niya. The woman was wearing a fitted above the knee dress at litaw na litaw ang mahahaba at mapuputi nitong legs na wala makitang kahit anong peklat o kahit maliit na guhit man lang. Halatang alagang-alaga ang buong katawan nito at siguradong hindi ito isa sa mga babaeng Salamat, Doc dahil natural ang pagiging diyosa nito.

"Ayusin mo, baby," malambing na utos nito at bahagya pang yumuko para maabot ni Axer ang buhok nito, not knowing na lilitaw ang cleavage nito sa harap ng lalaki.

Kung kanina nagpanting ang tainga ni Hillary dahil tinawag ni Mandy na "baby" si Axer, ngayon naman ay nagngingitngit ang kalooban niya nang sundin ni Axer ang utos ng babae na pag-aayos ng buhok kahit naka-sling ang isa nitong braso.

EHS 3: His Sweetest KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon