CHAPTER 9

141K 4.3K 326
                                    

CHAPTER NINE

NAPAPIKIT si Hillary nang humampas ang malamig na hangin sa kanyang mukha. Nakaupo siya sa hindi kahabaang wooden chair malapit sa dalampasigan. Hinahangin din ang white summer dress na suot niya pati na rin ang nakalugay niyang buhok.

Sana pati 'yong iniisip niya ay hanginin na rin.

Napatingala siya sa nagdidilim nang kalangitan. Alam niyang ilang minuto na lang ay papatak na ang ulan at gusto niyang marinig ang bawat patak n'on.

Inilibot niya ang paningin sa kabuan ng isla at nahagip ng mga mata niya ang isang babae na nakaupo rin sa kaparehong upuan na inuupuan niya, sa tapat ng rest house ni Axer.

Kumurap siya ng isa o dalawang beses para masiguro kung tama ba ang nakikita niya. Naka-summer dress din ang babae at medyo nakaumbok ang tiyan. Buntis ba ito?

Nag-iwas siya ng tingin nang tumayo ito. Kasabay n'on ay ang pagbagsak ng maliliit na patak ng ulan sa kanyang mukha.

Ipinikit ni Hillary ang mga mata at kasabay n'on ay ang pag-agos ng mumunting luha. Hinayaan niyang dumaloy lang 'yon sa kanyang mukha tutal wala namang makakapansin at iisipin na tubig lang 'yon mula sa itaas.

"I really don't understand how I feel right now. Why do I have this sudden feeling na si Axer ang hinahanap ng mga mata ko? Bakit siya?" mahinang usal niya sa sarili na kahit siya ay hindi na marinig dahil sa hampas ng alon at malalaking patak ng ulan. "Why do I need to miss him this much? Why?"

Napatakip siya sa bibig at mahinang humikbi dahil sa frustration na nadarama sa lalaki. Feeling niya, sobrang miss na miss niya ito. Samantalang kung ipagtabuyan niya ito noon ay parang hindi niya kilala.

Pumasok lang si Hillary sa loob ng bahay nang malakas na ang kulog at kidlat. Mabilis siyang naglinis ng katawan, lalo na sa bandang paanan dahil puro buhangin iyon. Nang matapos ay nagtimpla siya ng kape. Dinala niya ang tinimplang black coffee sa silid niya.

Ano pa ba ang gagawin niya kung ganitong umuulan?

Ito iyong ayaw niya kahit noon pa, 'yong maiwan siyang mag-isa. Bumabalik kasi 'yong sakit ng nakaraan. 'Yong mga pagtataksil sa kanya.

Napahawak siya bigla sa dibdib at dinama ang tibok ng kanyang puso. She even closed her eyes to make sure if what she felt right now was same as before every time she thought about her miserable past. Pero wala, wala siyang maramdaman na kahit ano. Hindi na masakit kapag naaalala niya ang nakaraan. Ibang sakit na...

Hanggang sa lumipas ang ilang minuto at ilang oras. Hanggang sa may malalakas na katok mula sa pinto ng bahay. At nang pagbuksan niya iyon ay halos tumalon siya sa tuwa nang masilayan kung sino iyon.

Her sweetheart.

"Bakit ka nandito?" gulat na tanong niya.

"Oh, my God! Sweetheart, let me in. It's freaking cold here," ungot ni Axer, niluwagan ang pinto upang makapasok at ini-lock pa talaga.

Nakatingin lang siya sa lalaki dahil siyempre na-miss niya ito.

"Quit staring. I know you missed me." Basang-basa ang buong katawan ng lalaki at nakahalukipkip.

Inirapan niya ito at umakyat sa silid niya upang kumuha ng towel.

"Hey, don't leave me here."

"Kukuha lang ako ng tuwalya. Maligo ka na diyan!" sigaw niya dahil nakapasok na siya sa silid niya.

Lihim siyang napangiti. Ang isipin na nandito si Axer, feeling niya ang gaan-gaan ng loob niya.

Napakamot si Hillary sa pisngi dahil hindi niya alam kung ano ang ipapasuot sa lalaki. Kinuha niya 'yong malaking T-shirt na binili niya kaso wala siyang shorts na kakasya rito.

EHS 3: His Sweetest KarmaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang