EPILOGUE

262K 5.5K 402
                                    

EPILOGUE

"MOMMY," tawag ni Ryxer.

Nilingon ni Hillary ang anak at napapalatak nang makitang puro grasa ang buong katawan nito pati na rin ang guwapong mukha.

"Are you mad?" he asked innocently.

Bahagya siyang lumuhod upang magkapantay sila. "I am not mad, baby. What did you do this time?"

"I'm fixing dad's car, the Bugatti Veyron. He promised to teach me how to drive kapag big boy na po ako, Mommy," sabi nito habang nagkikislapan ang mga mata. Manang-mana sa ama. "And dapat good boy daw ako sa school and sa mga girls. But I don't think I can be a good boy to Tito Clarkson's daughter."

"Charlton? She's a good girl, anak." Si Charlton ang bunsong anak nina Amber and Clarkson.

"No, Mommy, she's not. She's a brat, same with Stella," tanggi nito na ang tinutukoy ay ang pinsan nito na anak nina Elisse and Steven.

Bumuntong-hininga siya dahil mukhang hindi talaga type ng anak niya ang unica hija nina Amber.

Hinaplos niya ang mukha ni Ryxer. "Dapat good boy ka pa rin sa kanila, okay?"

"But I don't like Charlton, Mommy."

Akala niya sumang-ayon na ito pero ipinilit pa na ayaw talaga nito sa batang babae na isang taon lang ang tanda rito.

Tumayo siya at kinarga si Ryxer. "Take a bath. May pupuntahan tayo."

"Mommy, ibaba mo ako kasi big boy na po ako," tanggi nito na pilit nagpapababa mula sa pagkarga niya. "Daddy told me na may little sister na po ako sa tummy mo."

Namilog ang mga mata niya. "It's not true, anak. Nagdyo-joke lang si Daddy mo."

"But..." Sumimangot ito nang mataman niyang tiningnan.

Niyakap niya ito. Makulit ang anak niya kaya dapat kahit sa isang tingin lang ay mapasunod niya ito. Kapag si Axer kasi ang kasama ng anak niya ay lagi nitong sinusunod ang lahat ng gusto Ryxer.

"Go to your room. Susunod ako roon," bilin niya na agad naman nitong sinunod.

Pupuntahan kasi nila si Axer sa opisina nito at dadalhan ng lunch. Bumalik na ang nawalang alaala ng asawa niya noong nabangga ang sasakyan nito noong nasa mall sila. Akala niya mamamatay ito noon pero mabait talaga ang Diyos dahil hindi pinabayaan si Axer.

Dati inisip niya na magagalit ito sa kanya dahil inilihim niya ang anak nila pero nagkamali siya dahil tuwang-tuwa ito nang malaman ang bagay na 'yon. Hindi niya alam kung sobrang mahal lang ba talaga siya ni Axer kasi ito pa ang natatakot na baka iwan niya uli.

Hindi na, hindi na niya gagawin ang bagay na iyon.

Gusto niyang maging maayos na ang lahat sa kanilang pamilya at natupad iyon nang pakasalan siya nito.

Yes, mag-asawa na sila sa wakas.

Bumaba sila ni Ryxer ng sasakyan at pumasok sa building na pag-aari ng kanilang pamilya. Agad silang binati ng mga empleyado roon at ang anak niya ay hinalikan lahat ng magagandang babae na nagtatrabaho sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga ito kay Ryxer.

"Sweetheart." Tumayo si Axer mula sa swivel chair at niyakap silang mag-ina. "I'm hungry na," reklamo agad nito na kinarga ang anak nila.

"Daddy, big boy na po ako kaya huwag n'yo na po akong kargahin ni Mommy."

Natawa sila at ibinaba naman ni Axer ang anak nila. "Good boy ka ba? Inalagaan mo ba si Mommy mo and 'yong little sister mo sa tummy niya?"

Tumango-tango ito. "Opo, Dad, and inayos ko rin po 'yong car mo."

EHS 3: His Sweetest KarmaWhere stories live. Discover now