Bitter

192 8 0
                                    

"Ang gwapo niya"
"Manloloko yan"




"Ang talino niya"
"Walang time yan para sayo"



"Ang bait niya"
"Paasa yan"




"Ang talented"
"Madami kang kaagaw diyan"




"Ang perfect niya"
"Iiwan ka lang din niyan"




Nagpalakpakan na may kasamang standing ovation pa ang mga kaibigan ko after kong makipagsagutan sa kanila.



I was the one saying those negative things and they were the ones saying those positive traits of boys.


"Alamih Rina Lopez"

"BITTER YAN" sabay-sabay na sambit ng mga kaibigan ko pagkatapos banggitin ni Margo (one of my Friends) ang buong pangalan ko.


Tumayo ako at hinarap sila "Im not Bitter. Nagpapakatotoo lang"

I smiled and walked out. Alam ko kasing aasarin nanaman nila ko sa pagiging bitter which is hindi naman talaga dahil I know and many people also know that boys will never be satisfied and will leave all girls broken and sometimes unfixable. At dahil wala ako sa mood para makipag-asaran kasi malaki ang posibilidad na mailibing ko lang sila ng buhay ng sabay-sabay.



Mabuti na sigurong maglakad lakad muna ako sa corridor ng school malayo sa mga nilalang na to.

Bago ko mabuksan ang pinto narinig ko pang humihirit ang mga kaibigan ko kaya nilingon ko sila para magmake face.

Mukha nila, wala akong oras maasar ngayon.

Habang naglalakad ako naalala ko nanaman yung...

What should I call him?

Let's just say "kalandian ko" well kalandian naman talaga kasi naglalandian naman talaga kami. Actually siya lang malandi at feeling naman niya nagugustuhan ko.

Almost one week na kaming magkachat sa FB at I'm impressed how he says sweet words na parang kami na, then all of a sudden nalaman kong tatlo pala kaming nililigawan niya. Wow just WOW. Yung sweet chats pala niya Copy-Paste lang at sinesend niya sa aming tatlo. Ano 'yon pag di siya sinagot ng isa at least may nakaamba pang dalawa? Ano ko reserba? Paano pagsinagot siya ng isa? E di tapon na kaming dalawa? Hayop naman pala sa strategy yung ungas na 'yon ha!

Syempre may maayos pa naman akong pag-iisip and I've been through worst (Don't want to explain what worst that I've been through with) hindi na ko nagchat sa kaniya. Well nagchachat pa rin siya sa akin and asking what went wrong at bakit hindi ko na siya pinapansin sa chat. I didn't felt bad and guilty sa hindi ko pagpansin sa kaniya.

Hindi kaya dapat matuwa pa siya kasi at least nabawasan na ang chat box na sesendan niya ng isang Copy-Paste na message? I actually helped him.

Napatigil ako at napaupo sa isa sa mga benches sa harap ng mga locker.

"Guys and their balls" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang mga taong nagdadaan specifically guys.

Kung itatanong niyo kung doon sa kinuwento ko ang dahilan kung bakit ako naging Bitter sa guys. Well hindi po. Sa totoo lang marami na kong naexperience kaya I hate guys and their guts.

Normal sa mga kaibigan ko na ireto at ilakad o minsan itulak pa ko sa mga lalaki after ko mabroken hearted noong First year ako (Let's not just go back to that worst experience of my life).

Sina Margo, Shina, Aika at Ronald (He's a gay) ang may mga pakana ng panlalakad sa akin sa iba't ibang lalaki. Naniniwala kasi sila na makakamove-on lang ako sa pananaw kong Bitter sa love kung iibig akong muli.

Hindi ko alam kung naging effective ba o hindi yung pinaggagagawa nilang pagpapakilala sa akin sa mga kilala nilang lalaki, kasi imbes na maging better ang pananaw ko sa pag-ibig lalo pa atang lumalala.

Ngayong 4th year na kami mga lagpas 20 na yung nireto nila sa akin over three years na pagkakaibigan namin.



I don't have a high standard on guys it just so happen na may mga katangian na hindi ko gusto sa lalaki na nakikita ko sa kanila kaya hindi nagwowork ang MU at Ladian dahil mabilis akong maturn-off.

Ilan sa mga guys na nireto nila ay taglay ang mga sumusunod na katangian:

*Mayabang (Varsity daw siya kaya ang swerte ko pag naging kami. Palamon ko kaya sa kaniya lahat ng bola sa mundo?)

*Makulit (Kailangan lagi dapat katext o kachat? Ano siya lang priority ko sa buhay ganon?)

*Demanding (Ako lagi mag-aadjust kung kailan niya gusto makipagkita at kung kailan niya gustong tumawag?)

*Feelingero (First day na magkakilala akala mo kami na. Ang lakas makatawag ng Baby at mag I LOVE YOU)

*Tamad at Mabagal (Every 30 mins o minsan 1 hour kung magreply)

*Manloloko (May GF na pala o ang dami na palang nililigawan)

*Atat (Ano 2 days palang natatagalan na sa panliligaw na ginagawa?)

*OA sa bait (Yung tipong mapamura ka lang sa saya o magjoke ka lang akala mo napaka makasalanan mo na sa mga sinasabi niya)

The last is:

*Manyak (Highschool palang kami yayain na ko makipag s*x? Pambaon pa nga lang sa school hinihingi mo palang sa nanay mo tapos gusto mo ng makadisgrasya? Magpatayo ka muna ng bahay at hindi yang iba ang pinapatayo mo!)

See? How would I stay with a guy na may isa sa mga katangian na yan? I can't.

Hindi na ko magpapaloko.

Hindi na ko susugal.

Hindi na ko iiyak.

Hindi na ko masasaktan.

Hindi na...

Hindi na ko Magmamahal ng Manloloko at Iiwan lang ako. It's better to be alone than to be left broken.

SWEET VS. BITTERWhere stories live. Discover now