CHAPTER 12 (ULAN)

19 4 0
                                    

ALAMIH'S POV

Wala na kong pakialam kung matamaan man ako ng kidlat sa gagawin kong paghabol sa kaniya sa labas.

Kidlat mula sa galit ni Sky at kidlat mula sa galit ng Langit (Hahahaha parang walang pinagkaiba english-tagalog lang)

"Hoy Sky! Sabing wala pa tayong skit e!" Kalahati nito totoong tungkol sa skit kasi ayokong bumagsak pero ang kalahati nito ang katotohanang ayaw ko muna siyang umalis. (Hahahaha at least di obvious na gusto ko lang siyang makasama)

Aba't hindi ako nililingon ng isang to!

"Skyyyyy!" Lingunin mo naman ako.

"SKYYYYYY! ANO BA!" Pansinin mo naman ako

"HOY SKY!!"

GAHD umuulan na! Nakakainis di pa rin ako nililingon ng isang to. (Pag ako nainis ikikiss ko siya hahaha de joke lang)

I know what will I scream next is odd pero I need to, kahit sampal sa akin na lumingon siya sa isisigaw ko ayos lang kasi ang importante lingunin niya ko.

"LANGIT!"

I want him to turn around but I was actually hoping that he wouldn't when I called him "Langit".

Pero

Lumingon siya.

Lumingon si Langit ni Hannah.

"H..h..indi pa t..tayo nakakagawa ng s..kit" Hindi po ako nagtatransform sa pagiging Alien ang hirap lang talaga magsalita hahahaha ang lakas kasi ng ulan at umaagos pa yung tubig sa mukha ko.

I can't actually see him clearly.

Tapos naiinom ko pa yung tubig ulan sa ginagawa kong pagsasalita.

"Nababasa ka na, magkakasakit ka pa sa ginagawa mo tapos skit pa rin iniisip mo!" Halos mapatalon ako sa gulat sa pagsigaw niya.

Lumapit pala siya sa akin. Kala ko nasa malayo pa rin siya. Nasa malapit na pala siya bakit pa siya sumisigaw!

"Di ako bingi! Wag kang sumigaw!" Sigaw ko sa kaniya habang pinipigilan kong manginig boses ko. (Gusto kong maging matapang. Ayokong ipahalata na apektado ako sa pagiging apektado niya kay Hannah)

"Di ka nga bingi pero napakatigas ng ulo mo!" Naramdan ko yung paghawak niya sa wrist ko habang hinihila ako pabalik sa bahay.

Ano papahila nanaman ako sa kaniya? Hahayaan ko nanaman na dalhin niya ko sa lugar na alam ko iiwan niya rin ako? Papatibukin nanaman niya yung pulso at puso ko pero magbibingibingihan lang siya sa lakas ng tibok nito.

Ano aasa nanaman ako sa mga ipapakita niya sa akin?

Masasaktan nanaman ako sa pag-asa?

"Hindi matigas ulo ko! Nagiging kaibigan lang ako sayo pero ayaw mo!" I can feel my throat drying up. Ang nakapagtataka nakakainom na ko ng tubig mula sa ulan nanunuyo pa rin yung lalamunan ko.

He stopped pulling me nakita ko na napayuko siya at narinig ko yung malalim na paghinga niya mula sa ginawa niyang pagyuko.

Naubos na ba si Sky? bakit parang wala na yung Sky na madaming sinasabi, madaming alam sa buhay, madaming pananaw at handa patunayan na mali ako?

Bakit pakiramdam ko mas pinatutunayan niya na tama ako?

"Pati pala ikaw, sususkuan ako"

SWEET VS. BITTERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ