CHAPTER 11 (KIDLAT)

25 4 0
                                    

ALAMIH'S POV

"Groupings daw pero dalawa lang. Nakakainis to si Ma'am. Di niya ba alam ang cocncept ng GROUPINGS? maramihan yon at hindi dalawahan!" Naiinis na bulong ni Margo sa akin mula sa likuran ko.

Siya lang naman naiinis at namomroblema dito. Si Aika mukhang ayos naman sa partner niya na si Elmer. Si Shina mukhang kontento naman sa partner niyang si Ronald. Ako? Hahahahaha actually masaya ako kaya hindi ko pinapansin tong pinaglalaban ni Margo kasi si Sky lang naman kapartner ko kaya wala akong pakialam sa nararamdaman ni Margo Hahahaha (Choosy pa ba ko? Sky na yun e.)

Ay oo nga pala itatanong niyo ba kung sino kapartner ni Margo? Hahahah si Kenneth lang naman.

"E di magreklamo ka kay Ma'am! Hanggang bulong lang naman pala yang pinaglalaban mo e hahaha" sagot ko sa kaniya habang nakatingin pa rin ako kay Ma'am na nagpapaliwanag pa kung ano yung gagwin namin.

"Now go to your groupmates" Actually may point si Margo. Kailan pa naging group ang dalawang tao?

"Sa sahig ka umupo!" Napalingon ako sa pagsigaw ni Margo mula sa likod

"Kung gusto mo ikaw nalang. I paid all the expenses that is needed to paid in this school kaya wala kang karapatan na ipagkait sa akin yang upuan na yan" relax na pagpapaliwanag ni Kenneth kay Margo.

Magkakasundo silang dalawa sa totoo lang. Isang babaeng may LOUD PERSONALITY at isa namag lalaki na SERYOSO SA BUHAY.

"A basta hindi ka pwedeng umupo dito!" Naiinis na sagot ni Margo habang pinapatungan ng bag yung upuan na nasa tabi niya.

"Haharangan mo rin ba ng bag mo yung upuan na to?" Napalingon ako kay Sky na nasa harap ko na pala.

You know what?

He actualy looks pretty tired today. Para namang ang panget ng naging weekends niya kasi mukhang problemadong problemado yung mga mata niya.

"Hindi a. Hahahaha di naman ako monggoloid tulad ni Margo" He seated and gave me a small smile. Actualy pilit na pilit.

Akala ko nakita ko na lahat ng smiles niya pero meron papalang isa Ngiti niya na pilit kasi malungkot sya

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Nako! Kaya ko namang mag-isa yung assignment! i don't need KENNETH!" Sigaw ni Margo

"Bobo di mo pwedeng gawin mag-isa yun wag kang pabida kailangan mo ng partner!" Pambabara ni Aika habang nag-aayos sa harap ng malaking salamin dito sa CR.

Ipeperform na kasi sa friday yung assignment na feeling project dahil sa laki ng effort na dapat naming ibigay sa paggawa.

Totoo naman kasi hindi pwedeng isa lang gumawa ng project kailangan dalawa kaya Margo have no choice but to spend her time with Kenneth Hahaha

MARGO divided by FAITH equals IT KENNETH BE hahahaha (K. Corny nanaman ako)

"Bwiset na assignment yan!" Hahahaha di ko alam kung matutuwa ba ko o maaawa kay Margo. Natutuwa ako kasi naiinis siya kay Kenneth na nag-iisang tao na nagagawang pausukin yung ilong niya. Naaawa ako kasi baka di sila makatapos ng assignment sa gagawin nilang pagtatalo.

And because we are in the CR at hindi lang kami yung tao dito and people can hear Margo's complain about Kenneth

"Hi. May I just ask kung anong assignment niyo?" Pagtatanong nung babae na mukhang naguguluhan sa pinag-uusapan namin dahil sa ingay ni Margo.

SWEET VS. BITTERΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα