CHAPTER 1 (BITTERS' Squad)

61 6 0
                                    

ALAMIH'S POV

Tumingin ako sa orasan ko to see kung dapat na ba kong umuwi. Itong mga hampaslupa at matitigas na mukhang mga kaibigan ko wala atang balak na sundan ako sa pagwawalk-out.

Sila may kasalanan kung bakit Bad Vibes ako kasi nireto nila ko sa isang Varsity Player na higit sa isang bola pala ang kayang idribol. Imagine tatlo kaming binobola ng malaking bulas na 'yon!

Nakakainit ng ulo. Bakit ba naman kasi ang hilig ko ding pagbigyan ang mga kaibigan ko sa pagrereto sa akin, wala daw mawawala kung susubukan ko. Mayroon kayang nawawala...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
... iyon 'yong pag-asa kong may lalaki pang makapagpapabago ng pananaw ko. Lahat kasi ng nirereto nila FAIL. Lahat hanggang landian lang.

...

Nakatingin ako sa mga naglalakad na tao. Uwian na pero kaunti palang lumalabas sa mga class room.

Napatingin ako sa 5 nakapangsoccer team na uniform. Maingay sila pero bigla silang napatahimik no'ng may dumating na babae.

Maganda 'yong babae. She looks familiar actually.

Sa school namin 5 sections lang per year level. Kaunti lang naman kasi kami pero kahit bilang kaming mga estudyante di naman kami magkakaclose, may mga sarili kasi kaming mga mundo. At simula first year hindi na ko nalipat ng section. Hindi naman sa pagmamalaki pero section 1 ako simula first year and to be exact kung sinong mga naging classmate ko noong first year sila pa rin classmate ko ngayon, persistent kung baga walang nadagdag at wala ding nabawas. Mabuti na rin siguro 'yon para wala nang nag-aadjust sa pagkacompetitive na mga classmates ko, makakuha lang kasi ng 85 kala mo katapusan na ng pangarap nila.

Going back, familiar lang 'yong mukha ng babae pero I don't know her name.

Napatingin ako sa kaniya nang umalis 'yong ibang mga nakauniform na soccer players at ang natira nalang ay 'yong isang lalaki. Napatitig ako sa mukha nung lalaki, he's not familiar. Di ko man kilala ang mga pangalan ng mga nag-aaral dito sa Hanverston High School familiar naman ako sa mga mukha nila especially sa mga gwapo.

Babae pa rin naman po ako kahit man hater ako nakakapansin pa rin po ako ng gwapo hahaha

Napahinto ako sa pagpapantasya ko tungkol sa mga gwapo no'ng nakita kong umiyak 'yong babae.

I can't hear them but I can see them clearly kasi kahit papano malapit-lapit sila ng kaunti mula dito sa kinauupuan ko.

Napatingin ako ng masama sa lalaki. Hay nako etong mga gwapo na to wala na talagang naidudulot na mabuti sa mga puso naming mga babae.

Tumingin-tingin sa paligid yung lalaki na parang may hinahanap.

Hinahanap ba niya kung may makakakita sa kaniyang babae o baka nasa paligid lang yung girlfriend niya o kung sinumang kinakalantari niya?

Nakakainit ng dugo 'yong mga ganitong gwapo. Porket gwapo may karapatan ng manloko?

Napahinto ako sa pag-iisip ng nagkatagpo ang mga mata namin (Ang taray nung nagkatagpo hahaha kala mo may spark).

Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya pero yung tingin niya sa akin parang nagsasabing pwedeng umalis ka at wag tumitig kasi nambobola pa ko ng chicks dito o . (Oo mahaba yung sinasabi ng titig niya hahaha masyadong madaldal mata niya).

Tumayo ako hindi dahil sumunod ako sa sinasabi ng mga tingin niya. Tumayo ako dahil sa ayoko nanamang madagdagan ang dahilan kung bakit ayoko ko ng magmahal. Ayokong makakita ng eksena na may umiiyak, may nasasaktan, may nagmamakaawa. Ayoko nang mabawasan ang 9% na natitira sa paniniwala ko may totoo pang pag-ibig at may tao pang makapagpaparamdam nito sa akin. (Ang lalim hahaha.)

SWEET VS. BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon