CHAPTER 9 (GUILT)

36 8 1
                                    

SKY'S POV

"Sky. Lets eat outside." Aya sa akin ni Irish na kanina pa ko kinukulit na gumala.

Kakain sa labas? E ang daming pagkain sa ref.

"Di mo ba kayang mag-isa?"

Nakakatamad tumayo mula dito sa kinauupuan ko.

Nakakatamad maglakad-lakad.

Nakakatamad mag-isip.

Nakakatamad magpanggap na natutuwa ako.

Maliban sa katangian talaga naming mga lalaki ang katamaran tinatamad talaga ako.

Kung pwede lang humilata buong buhay ko ginawa ko na. Kaso mahirap lalo na kung may makulit kang kapatid na tulad ni Irish

"Nakakaasar ka! Simula ng nagtransfer ka sa school hindi na tayo nagbobonding! Lagi ka nalang may excuse. Kala ko pa naman mas marami na tayong time para magbonding kasi same school na tayo!" Pagmamaktol ni Irish habang parang bata na nagpapapadyak sa harap ko.

Parusa pag may 16 yrs. Old kang kapatid na may utak na pang 6 yrs. Old.

"Oo na oo na. Para matahimik ka na sasamahan na kita. Antayin mo ko dito magbibihis lang ako" tumayo ako sa sofa at umakyat sa kuwarto para magbihis.

Kahit ayokong umalis at makasama muna si Irish nahihirapan naman ako na nagtatampo na siya at nagtataka kung bakit iwas akong makipagbonding sa kaniya.

.

THREE WEEKS.

.

Tatlong linggo na kong nagiging makasalanan.

Tatlong linggo na kong nanloloko.

Tatlong linggo na kong naglilihim kay Irish, nagpapanggap kay Hannah, nagsisinungaling kay Alamih

Sa tatlong tao na yan kay Alamih ako may pinakamalaking atraso

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Galit ka ba sa akin? Kung ayaw mo sumama sige wag na." Malungkot na tanong ni Irish habang pasakay kami ng kotse

Anak naman ng tokwa't baboy o.

Kung kailan naman nakabihis at pasakay na ko ng kotse ngayon niya lang naramdaman at naisip na ayoko kong sumama? Pambihirang buhay to.

"Hindi ako galit sayo. At bakit naman ako magagalit? Saka nakabihis na ko."

Sa totoo lang hindi ko alam kung kanino ba dapat magalit. Sino bang dapat suntukin o bubugin? Hindi ko alam kung sino bang tarantadong may kasalanan. Hindi ko alam kung sino bang dapat sisihin sa mga nangyayari.

Hinawakan ni Irish yung braso ko at pinilit niya kong humarap sa kaniya.

"Kuya. Nakakatampo ka na kasi hindi ka naman ganyan dati. May nagawa ba kong mali?"

Minsan lang akong matawag ni Irish na Kuya at alam kong sobrang nahihirapan na siya sa ipinapakita ko.

Gustong gusto kong sabihin sa kaniya lahat ng totoo, lahat ng nangyayari. Alam kong nararamdaman niya yung bigat ng loob ko kaya naiisip niya na galit o naiinis ako. Bakit ba kasi pinagsabay kami ng magulang namin. Pwede namang one at a time gusto talaga nila isang irihan lang magiging anak nila. Yan tuloy kung anong nararamdaman ko nararamdaman niya din. Ang hirap ng may kakambal.

"Irish. Di ako galit. Stress lang masyado kasing madaming pressure. Alam mo naman na nag-aadjust pa rin ako sa HHS"

Eto nanaman ako. Tinatakpan ko nanaman ng ibang mga dahilan ang mga gusto kong sabihin kay Irish. Kung may award lang ang pagiging singungaling siguro 1st honor na ko.

SWEET VS. BITTERWhere stories live. Discover now