CHAPTER 13 (LANGIT)

23 4 0
                                    

SKY'S POV

"Sky, bakit ngayon ka lang?" Napahinto ako sa paglalakad paakyat ng hagdan nang marinig ko yung boses ni Mommy na nanggagaling sa may dining area.

"May tinapos lang po kaming group project" sagot ko kay Mommy bago tuluyang umakyat papunta sa kuwarto pero napahinto nanaman ako nung maramdaman ko yung pagkirot ng ulo ko.

Delikado to. Balak ko pa namang kausapin si Hannah bukas pero nahihilo at kumikirot na ulo ko. Pahamak naman na ulan to.

Paniguradong pati si Alamih sumasama na yung pakiramdam ngayon. Mabuti pa siguro tawagan ko nalang siya para masabihan na uminom ng gamot para hindi siya sumpungin ng lagnat.

Saktong namang pagkalabas ko ng phone ko.

*Brrrrrrrrrrrr*

HANNAH CALLING...

Hindi ko man lang naisip na si Hannah muna pala ang kailangan at dapat kong tawagan.

Lagi nalang kasi siya yung tumatawag this past few days at lagi nalang ganito yung eksena pagtumatawag siya, tititigan ko lang yung pagtawag niya sa cellphone ko hanggang sa matapos, mag-iisip ako ng excuse para hindi siya magtaka sa hindi ko pagsagot sa tawag niya.

Ayoko man magsinungaling sa kaniya ayoko rin naman na pati tong pinagdadaanan ko isipin niya pa at problemahin niya pa.

..

Hindi na nga ako sigurado kung nagiging kapatid pa ko kay Irish sa ginagawa kong pag-iwas sa kaniya dahil sa takot ko na malaman niya kung sino ba talaga si Alamih.

Hindi rin ako sigurado kung kaibigan ba talaga ako ni Alamih sa dami ng bagay na nililihim at itinatago ko sa kaniya.

Pero isang bagay lang sa ngayon ang sigurado ako para sa akin.

Sigurado ako na mahal na mahal ko si Hannah at hindi ko kaya na mawala siya ngayon sa akin.

Kung kinakailangan sabihin ko sa kaniya lahat ng nangyayari ngayon para hindi siya mawala sa akin gagawin ko.

"Hannah" pagsagot ko sa tawag na alam kong kinagulat niya mula sa kabilang linya.

"I thought you were never going to answer" mahina yung pagkakasabi niya pero bakas sa boses niya yung lungkot.

Nagagawa kong makapagpasaya ng isang tao pero nagagawa ko rin palang makapanakit ng isa.

Ipinapamukha ng boses niya sa akin na kaya siya malungkot dahil sa mga pinaggagagawa ko ngayon.

"I'm sorry" Napaupo ako sa isa sa mga baitang ng hagdan namin dahil sa bigat ng nararamdaman ko. Nakakapanghina ng tuhod na naiisip kong dahil sa akin kaya nalulungkot at nasasaktan si Hannah.

Matagal bago nagsalita si Hannah. Matagal bago niya masabi yung mga salita na kanina ko pa pinag-iisipan kung paano ko sasabihin sa kaniya. Matagal bago ko marinig ulit yung boses niya.

"We need to see each other. I need to see you"

Kailangan naming magkita. Kailangan niya kong makita.

MAGKAIBA

Magkaiba pala kami ng gustong sabihin. Akala ko parehas kami ng gustong gawin. Hindi pala.

Kasi kung ako kailangan niya kong makita, siya

GUSTONG GUSTO KONG MAKITA. GUSTONG GUSTO KONG MAGKITA KAMI. GUSTONG GUSTO KONG MAGPALIWANAG. GUSTONG GUSTO KONG WAG SIYANG MAWALA SA AKIN.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Kahit 8pm na at ang sama sama na ng pakiramdam ko nagpahatid pa rin ako sa driver namin papuntang mall kung saan gustong makipagkita ni Hannah. Hindi na pwedeng pag-antayin ko pa siya, hindi na pwedeng magsinungaling pa ko sa kaniya, hindi na pwedeng dumaan pa ang isang araw na malulungkot siya sa ginagawa kong pag-iwas sa mga tawag niya, hindi pwedeng mawala siya sa akin. Hindi pwedeng pati tong isang bagay na sigurado at the totoo pa para sa akin ay mawala.

SWEET VS. BITTERNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ