CHAPTER 6 (HOLDING HANDS)

39 7 0
                                    

ALAMIH'S POV

"Alamiiiih" kinikilig na tawag ni Aika sa akin habang naglalakad siya palapit sa kinatatayuan ko.

Kasabay ko nga pala siya pumasok muntik ko ng makalimutan dahil sa sobrang antok ko.

"Ano?" Tamad na tanong ko sa kaniya.

Wala ako sa mood actually. Puyat kasi ako. 2 hours lang tulog ko sa dami ng tinapos kong assignment tapos dumagdag pa yung panonood ko ng Troy.

"Kwento ka dali! Hahaha" inalog-alog ako ni Aika habang sinasabi yan.

"Tungkol sa Troy o tungkol sa teksto na pinapabasa sa Filipino?" Humikab ako after at tumingin kay Aika.

Why is she smilling wierd?

"Hoy. Nakakatakot ka!" Ang wierd kasi niya ngumiti. Monggoloid talaga.

"Puyat ka?" Pagtatanong ulit ni Aika habang nakangiti ng malapad. Ano bang inalmusal ng isang to?

"Halata ba?" Sarcastic na sagot ko sa kaniya.

Ang laki-laki na nga ng eyebags ko tapos tatanungin pa ko kung puyat ako?

"OH NO!" nagulat ako sa reaksyon ni Aika dahil may matching takip pa siya sa bibig niya.

"Aika! Kanina ka pa! Ano bang meron?" Napipikon na ko sa ginagawa ng isang to. Kanina pa siyang parang tanga

"Wag mong sabihin na ginamit mo na yan" she was pointing at my Tummy.

Ha? Ginamit ang alin?

"Anong ginamit ko?" Di ko talaga magets pinagsasasabi niya bukod kasi sa lutang ako hindi rin kasi ako nakakaintindi ng lenggwahe ng mga monggoloid na tulad ni Aika.

"Yung Matres mo" bulong niya sa akin.

What?
Yung matres ko?

DON'T TELL ME.

"Ano ba yan Aika! Ang dugyot mo! Ang dumi ng utak mo!" Nakakapangilabot naman.

"Hindi ba? Hahaha sorry kala ko kasi may ginawa kayo kaya napuyat ka"

"Abnormal! Libro at si Brad Pit sa Troy lang ang kasiping ko magdamag kaya puyat ako! Saka malabo yung iniisip mo" Malabo naman kasi talaga dahil bukod sa mas vigin pa ko sa virgin coconut oil hindi naman ako yung type ni Sky. (Wala po akong panghihinayang na nararamdaman wag kayong malisyosa hahaha)

"Bakit naman?" Malungkot na tanong ni Aika habang nakanguso.

"Kasi may Hannah na siya kaya tumigil ka na" Siyempre support support ako sa lovelife ng bago kong friendship hahaha

"Ngea? Kala ko pa naman manliligaw siya sayo kaya niyayaya ka niya kahapon"-Aika

"Napapala ng mga Hopia! Makikipagkaibigan nga lang siya tulad ng sinabi ko kahapon" yan masyado kasi silang assuming.

"Edi magkaibigan na kayo?" Pagtatanong ni Aika habang pumapara siya ng tricycle na sasakyan namin

"Oo" sagot ko bago tuluyang may humintong tricycle.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.....

"Yieeee. Kamusta na Mrs. Fernandez?" Kinikilig na usisa nina Margo pagkapasok na pagkapasok ko ng room.

"Wala fail! May iba palang nililigawan si Sky tapos naFriendzoned si Alamih" Napatingin ako ng masama kay Aika sa mga sinabi niya. Wow ha. NaFRIENDZONED talaga?

SWEET VS. BITTERWhere stories live. Discover now