CHAPTER 14 (GIRL-FRIEND DUTY)

24 6 0
                                    

ALAMIH'S POV

Kahapon hindi ko alam kung matutuwa ako o sasapakin ko sarili ko sa ginawa ko. (Ay actually sinapak na pala ako ng sakit. May black eye nga puso ko e. Hahaha gusto niyo makita?)

Sa lahat ng bobo ako na pinakaBOBO. Mayroon bang may crush na tinutulungan pang mapalayo yung loob ng crush niya sa kaniya?

Oo alam ko pagkakataon ko na kahapon na pagsamantalahan si Sky Hahaha (Goodgirl kasi ako kaya hindi ko ginawa)

Sa totoo lang I was a bit hapy to make him HAPPY. But I was also a bit sad that the reason that I was able to make him happy was giving him an advice about fixing things with Hannah.

Alam ko iisipin ng iba napakaMartyr ko bilang isang kaibigan na umiibig Hahaha Pero ginagawa ko lang naman ag gawain ng isang kaibigan ha.

Nagpapaka GIRL - FRIEND lang naman ako. At bilang GIRL (DASH) FRIEND niya gawain ko na palakasin ang loob niya at suportahan siya whenever he needed it. At kahapon he needed my support and my advice as a friend kaya binigay ko.

And as a rule bilang GIRL - FRIEND niya hindi ko duty na mainlove sa kaniya.

OO may crush ako sa kaniya. Pero CRUSH lang! (Hindi naman porket crush. MAHAL NA AGAD!)

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Oy. Magpasalamat ka kay God ligtas kayo ni Sky. Buti nalang may program mga Freshman kaya walang klase buong araw! At hindi makikita ni Mam na wala pa kayong nabubuo for friday"

Napatingin ako kay Margo na kanina pa sumasamba dito sa likod ko dahil sa hindi tuloy ang pagpapasa kay Ma'am Herman ng palabas na gagayahin namin, ngayon na kasi dapat ibibigay yung palabas na gagayahin for friday.

"Ikaw lang masaya! Nasayang kaya effort namin ni Ronald dito sa banner niyo Hahaha" natatawang sagot ni Aika kay Margo habang binabalandra yung hawak niyang cartolina na may naklagay na:

GO MARNETH ❤❤❤
BABY FTW!!!

Kanina pa hindi matahimik sina Aika at Ronald sa pang-aasar kay Margo. At dahil may tainga ang lupa at si Ronald ay bakla siyempre nasagap niya na agad ang tsismis tungkol sa sinabi ni Margo sa CR na gagawa sila ng baby ni Kenneth.

Tapos ang naisip pa nilang iperform yung The Notebook, kaya inaasar ni Ronald na yung scene sa abandonadong bahay habang nagpapiano si Rachel McAdams ang gagawin nina Margo Hahahahaha.

You know the seen na nag*tooot* yung characters.

Inaasar pa tuloy siya ni Aika na kay Kenneth niya pala isusuko ang bataan at pinanindigan niya talaga yung kagustuhan niyang gumawa ng bata Hahaha

"Oh happy naman kayo?" Naiinis na buntong ni Margo kina Aika

"Oo naman. Pag nagkataon magiging Ninang na kami pag nagkaanak na kayo ni Kenneth hahahaha" Pang-aasar pa ni Ronald kay Margo.

"Bobo ka ba? Lalaki ka di ba? May itlog ka di ba? Ninong ka hindi Ninang! Wag kang illusyunada!" Sagot ni Margo sa pang-aasar ni Ronald.


Masaya namang panoorin tong mga kaibigan kong habang nagpapatayan at nag-aasaran sila pero may hinahanap-hanap yung mata ko.

SWEET VS. BITTERWhere stories live. Discover now