CHAPTER 4 (THANK YOU and SORRY)

32 5 2
                                    

ALAMIH'S POV

"Oy Alamih! Isuot mo na yang ID mo baka mahuli ka pa ng guard" Saway ni Margo sa akin habang sumusubo ng French Fries.

Well hanggang ngayon kasi nasa kamay ko lang yung ID ko. Break time na namin pero di ko pa rin magawang isuot yung ID ko. Wala namang pakikisama tong konsensiya ko sa kaartihan ko. Sinasabi ng konsensiya ko na magThank you ako sa kaniya pero sinasabi naman ng kaartihan ko na NO WAY!

"MagThank you ka na kasi" malambing na sabi ni Shina sa akin. (We all got that one friend na wierd) paano nabasa ni Shina nasa utak ko?

"Kanino siya magtethank you?" Pagtatanong ni Aika (and we all got that one friend na slow) Hay nako Aika.

"Sayo. Magpapasalamat siya sa katangahan mo" Pambabara ni Ronald kay Aika. I know na gets na nila at si Aika lang talaga hindi.

"Kausap ba kita?! Pauso ka!" Naiinis na sigaw ni Aika.

Sige lang mag-away lang kayo pero di talaga ako mapalagay. Isusuot ko na ba tong ID ko?

Kaartihan: Isuot mo na! Wag ka nang magmaganda at makonsensiya!

Konsensiya: Pagsinuot mo yan ng hindi ka pa nagpapasalamat. Parang binabaliwala mo na ang pangaral ng magulang mo, simbahan at ng panginoon sayo.

Okay. I've decided. Dahil may punto si KONSENSIYA tatayo na ko at... Isusuot ang ID ko Hahaha. Duh pride at pagkababae ko ang nakasalalay dito. Di naman siguro masama na kunyare nakalimutan ko lang magpasalamat kaya di na ko magtethank you sa kaniya.
.
.
.

But friends got to be FRIENDS. kaya di mawawala to:

"Siguro iningatan pa yan ni Sky bago maibigay sayo" napatigil ako sa binabalak kong pagsuot sa ID ko ng marinig ko ang sinabi ni Margo (Wait. Sky? Ay OO nga yun yung pangalan niya!)

Iningatan? Oo nga mukhang hindi na galos at nasira yung ID ko. So utang na loob ko yun? Ganon?

"Oo nga no. At alam mo buti hindi niya naisipang itapon yan ang panget ba naman ng pagmumukha mo diyan hahaha" -Ronald while laughing. Sige lang imbes na makonsensiya ako baka mapatay ko tong isang to.

"Pero seryoso buti binalik niya pa yan sayo kahit sa nangyaring sagutan niyo kanina" dagdag ni Aika habang pinipigil ang tawa dahil sa sinabi ni Ronald.

So ano? Ipanglalaba ko nalang tong pride ko at magtethank you na ko sa kaniya?

Tae. Nakakainis man. Sige na magtethank you na ko!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Alamih. Ayun siya o." Nguso ni Aika.

Wala na kami sa Canteen. Nandito na kami nakatambay at inuubos ang remaining 12 mins sa break time namin sa tapat ng field. Ganon din sina Kenneth and friends (kasama si Sky) na mukhang nag-uubos nalang ng oras dito sa soccer field.

Hay! Hingang malalim Alamih! Kaya mo to. Di naman siguro tuluyang matutunaw ang barebareta mong pride sa pagsabi lang ng thank you di ba? Kaya ko to! Woh! Kung mapahiya man at least mananahimik na konsensiya ko at higit sa lahat MASUSUOT KO NA ID KO!

.
.
.
.
.
.
.

"A..a..ah K..enneth" Bakit si Kenneth tinawag ko?! Ano ba to!

"O Alamih" nakangiting sagot nito sa akin. Siyempre kung napansin ako ni Kenneth e di napansin din ako ng mga barkada niya. To cut it short napansin din ako ni Sky.

Ano sasabihin ko? Nagmumukha na kong tanga AT THE MOMENT. Ano ba yan! Di ako nakapagpractice ng sasabihin ko!

"Hindi ikaw..." Ngumiti ako ng awkward. Ha.ha.ha okay Alamih iniisip na siguro ng mga to na abnormal at monggoloid ka.

SWEET VS. BITTERWhere stories live. Discover now