CHAPTER 2 (SWEETS' Squad)

35 7 0
                                    

"Sige, yun lang sa ngayon. Bukas na tayo magpractice" Paalala sa amin ni coach.

Akala ko naman may literal na practice kami yun pala orientation lang.

"Fernandez" Napalingon ako sa pagtawag ni coach sa apelyido ko.

Sobrang awkward talaga pag sa apelyido ako tinatawag para kasing ibang tao.

"Coach?" Lumapit ako sa kaniya para malaman kung anong gusto niyang sabihin

"Welcome to the team and to Hanverston" Tapik niya sa balikat ko "O sige na umuwi ka na. Mukhang kanina ka pa inaantay ng girlfriend mo"

Napakunot noo ako sa sinasabi niya at napatingin kung sino ang pinapatutungkulan niya. Nagulat ako na si Irish pala ang sinasabi niyang "girlfriend ko" Mukha ba kaming maggirlfriend at boyfriend?

"Di ko po 'yon Girlfriend. Kambal ko po yan di lang halata. Panget kasi siya e. Haha" Sagot ko kay coach. Nagulat naman siya sa sinabi ko at tinitigan ako at tiningnan ulit si Irish.

"Sorry. Kala ko girlfriend mo. Sige una na ko" Naglakad na palayo si coach saka naman nagsilapitan sina Llenard sa kinatatayuan ko.

"Kala ko magpapalitan pa kayo ng number ni coach sa tagal niyo mag-usap hahaha" pang-aasar ni Mico sa akin.

"Gago. Selos ka lang crush mo kasi si coach hahaha" asar naman Jeff kay Mico.

"Ulol wag ako. Ikaw nga tong may pagnanasa sa abs ni coach e. Hahahaha" sagot naman ni Mico

"Ay nako nag-away ang dalawang bakla" singit ni Kenneth na paniguradong naiinis na sa ingay nila.

"Hahahaha mamaya niyo na pag-agawan si coach tara na kanina pa nag-aantay si Irish doon o" Pag-aaya naman ni Llenard sa amin na kanina parang sira ulo na pinapalo ako sa pagtawa kina Mico at Jeff.

"Ulol gusto mo lang makasabay si Irish e." Panunukso ni Jeff kay Llenard.

Tiningnan namin si Llenard kung anong sasabihin niya sa asar ni Jeff.

"W..wag a..ako! Hindi ko crush si Irish n..noh!" Pag-iwas niya sa mga tingin namin.

"Grabe pare ang bilis naman di mo na siya crush? Mahal mo na agad? Hahaha" sagot naman ni Migs at naghampasan ang mga ugok. Gayshit.

Paano ko ba ipapakilala tong mga kaibigan kong walang betlog? Hahaha

Si Miguel Claustro na tinatawag naming Migz Baog ay ang supot at ang pinakamaingay sa aming magkakaibigan. Parang factory ng walang kwenta at kagaguhan ang bunganga niya. Basta sobra niyang ingay pagmagkakasama kami tulad ngayon.

Si Jeffrey Marcos naman ay may totoong pangalan na Jeff Bayot. Magsyota sila ni Migs Baog, sila daw ang magpapatunay na may forever. Parehas sila ni Migs na maingay kaya meant to be talaga.

Si Kenneth Reyes naman ay si Tandang Ken sobrang KJ, sobrang seryoso, sobrang tahimik.

Si Llenard Lucas ay may birthname na Lucas Ungas. Puro kalokohan kasi alam niya at torpe pa.

At para fair siyempre ako din

Sky Blue Fernandez ang pangalan ko. Tawag sa akin ng mga kupal na to ay Haring Bughaw. Ayos na din. Ang mautak na si Migs ang gumawa ng bansag sa akin.

"Skyy!" Kumakaway na tawag sa akin ni Irish.

Si Irish Green Fernandez. Kakambal ko pero di ko kamukha maliban sa Babae siya at Lalaki ako hindi talaga kami magkahulma. Matangkad ako siya naman hindi katangkaran.

SWEET VS. BITTERजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें