Dinner with my Bestfriend

25.7K 360 12
                                    

"Hay nako, besty nakakaloka, abay alam mo bang nahuli ko ang magaling kong Boyfriend may kachorvahan sa Mall kanina, nakakalerki talaga, buti nalang at pinigilan ako nila Maui kung hindi kalbo na sana sakin to the 27th power yung malanding haliparot na babaeng kasama niya".

"Diba nga sabi ko naman sayo nuon pa, wala ako tiwala sa muka ng Boyfriend mong mukang hito, ikaw lang naman ang matigas ang bungo eh"

"Ayy nako Aivan, e kung sinasagot mo na kasi ko edi sana di tayo magbestfriend ngayon, tapos sesermunan mo ko ng wagas na wagas, kakaloka ka kasi choosy kapa sakin, ganda ganda ko kaya, tapos hinayaan mo lang ako machorva ng walang hiyang Michael na yun, at ako pa talaga nanliligaw sayo ang kapal ng fezlak ko noh? Hiyang hiya naman ako sa sarili ko?" Habang kinukumpas niya ang kanyang kanang kamay na kasalukuyang naghihiwa ng mga sangkap sa pagluluto.

"Inuuwang na naman yang utak mo Cheska, Ewan ko sa'yo"

Si Cheska ang Bestfriend kong babae, naging magkaibigan kami simula nung College na malaman kong Patay na patay siya sakin, di ko naman kasi maikakaila na isa ko sa tinitilian sa School nung College Days, dahil sa sobrang kulit at talakera nitong si Cheska, pero maganda naman talaga ay naging mag Bestfriend kami sa di ko alam na dahilan, siguro ay dahil kwela at lagi ako napapatawa, gusto ko kasi yung mga taong mataas ang Sense of Humor, yung parang walang iniisip na problema, perfect definition para kay Cheska, at ewan ko nga ba kung bakit di ko nagustuhan tong lukaret na babaeng to e maganda naman, matalino at mabait, yun nga lang may pagka buwang"

Madalas sa bahay si Cheska dahil ako lang mag isa sa inuupahan ko, feeling kanya na nga yung apartment ko eh, Minsan di na umuuwi sa kanila , pero gustong gusto ko naman din kasi masarap magluto tong berat nato, kaya pabor din sakin minsan.
Madalas nga kami napagkakamalang live-in partner pero para sakin wala lang yun kasi alam namin parehas na di naman totoo.

Alas 6 ng gabi ng nagsisimyento tong Berat na to dahil sa nahuli na naman niya ang Boyfriend nyang may nilalanding iba, habang naghihiwa ng sibuyas upang pangsangkap sa lulutuin niya.

"Bakit umiiyak ka? Haha akala ko ba e di mo mahal yung Boyfriend mong, kamuka ni Pooh!"

"E ikaw kaya ang maghiwa ng Sibuyas tingnan ko lang kung di ka maiyak" habang salubong ang kilay na nakatingin sakin at dinuduro pa ko ng hawak na kutsilyo.

"Wushuss, palusot kapa hahaha" pang aasar ko sakanya.

"Hoyy!! Kahit kailan di ko iiyakan yung kumag na yun, kahit na mamatay pa siya Now na, as in now na! Keribels lang, promise topu topu walang bawian!!" pairap irap pa ang loka, nakakatuwa talaga tong babaeng to!

"Lakas din ng power spirit mo eh noh" pangisi kong tugon!

"Ayy namern, ako paba? Duhhh, cheska toh noh. As in C-H-E-S-K-A ang pinakamaganda sa buong lungsod ng Manila" at inispell pa sakin ang pangalan niya habang hinahawi hawi ang buhok na akala mong may photoshoot.

"Ahhh OK" tipid kong sagot bilang pambabara ko sakanya twing inistate niya ang salitang maganda.

"Alam mo ikaw Aivan, minsan naloloka nako sayo, abay di ko alam kung Kaibigan ba kita or what? Wala ka man lang ka moral moral support sakin infairview ahh, di mo man lang maapreciate ang pagka Beauty Queen ko" at talagang nakalagay pa sa ulo niya ang isang kaserola na ginawang korona, ang laki talaga ng Tama nitong babaeng to'.

"Hindi naman sa ganun Iska, busy lang ako hahaha"

"K fine whatever, muka kang ipis na pinisat, kamuka mo si Antonio haha"

"At sayo pa nanggaling talaga yan iska? Hahahaha"

"Ay bingi lang kuya?? Bingi?? May ibang tao pa ba?
"Ikaw talaga Francheska puro ka kalokohan" batid ko naman na may dinaramdam ang aking kaibigan, pero kilala ko si cheska, malakas na babae yan at di papatalo basta basta., siya pa nga ang madalas na sumusugod sa mga naging GF ko before kapag nakikipag break sakin ang mga toh' kahit di niya alam ang tunay na dahilan, kaya kahit minsan ay napapahiya siya e sige lang, sobrang taas kasi ng kumpyansa sa sarili at talakera.
"Teka nga di pa luto yang niluluto mo, nagugutom nako" gusto ko na din kasing kumain para mayaya kong magshot si Iska alam ko kasing masama pa din ang kalooban nito, sa tagal naming magkasama ay kilalang kilala ko na likaw ng bituka ng kirengkeng na babaeng to'.

"Ayy demanding kuya?? Ikaw na kaya ditey?? Ayan tayo eh- kaya gusto mo din akong nandito sa palasyo mo eh, ginagawa mo kong tsimay eh noh, utak din friend eh noh?, libre katulong ganurn??"
Habang nakapamewang pa at nakaharap sakin na akala mong pagka sunget sunget na tao!

"Sinabi ko ba kasing magpunta ka dito lagi at pumasok ng walang paalam? E reklamo kapa kasi ng reklamo, sa halip na tapusin mo na yang niluluto mo at nagugutom nako, baka mapingot ko pa yang tenga mo, ikasira pa ng GANDA MO!! pambabara ko sakanya at binigyang diin ang salitang maganda para mapikon siya.

"Ayyy bongga!! Maka utos sir wagas?? Ayy naman ang ganda ko kaya, saka yung mga niluluto ko wag mo sabihing di masarap? Parang aketch lang ang mga niluluto ko masharappp, masharap kaya daba??" Habang kagat kagat ang dulo ng sandok at napapakagat labi pa sakin, hindi ko naman maiwasang di matawa sa itsura ng lukaret na babaeng to! Sobra siya nakakawala ng stress kapag kasama ko. Kaya pabor na din sakin na laging andito sa bahay ang luka luka.
Libre Katulong na may clown pa haha.

Ilang saglit pa'y natapos na ang niluluto ng aking napakagandang bestfriend as usual ang specialty niyang sinigang na baboy, the best talaga ang luto niyang yun, sobrang sarap!
Habang kami'y kumakain ay bigla naman siyang nag open up sakin, bigla naman akong kinabahan sa sasabihin ng luka luka.

"Aivan, Besty!" Si cheska.
"Whatt???
"Ayy taray ng lolo mo! Whattt whatt pa.. Wag ka sumisigawwww ang lapit ko sayo"

"Ano ba yun?"
"E may sasabihin sana ko sayo, kaya lang nahihiya ako" halata namang nagpapaawa ang hitad, mukang manghihiram na naman sakin ng pera tong loka nato'!

"Ano nga?? Pera??" Inunahan ko na siya dahil madalas naman ay ganun ang gawain niya kapag nagluto na ng paborito kong sinigang at ityetyempo na kakain kami ay laging ganito ang eksena.

"Ahaha mababaliw ako sayo Aivan, muka nabang dollar sign ang beautiful eyes ko?" Habang pinupungay pungay pa ang mga ito.
"Kasi besty ganiteyy, listen to me, I am alone at the crossroad, i am alone in my own home, charaught lungs," pakanta kanta pa niyang pagkakasabi.

"Iska!!!!!!" Alam na niya ibig ko sabihin kapag binanggit ko ang pangalan niya kaya bigla namang binawi nito kung ano man ang ginagawa niya!

"E kasi besty ganito kasi, ihhhh shemayyy im so shy, ow my gawdddd, please help me Lord to surpass this matter sa kaibigan kong Kamuka ni Kampon ni Lucifer"

"sasabihin mo ba or what?" Medyo seryoso nako at kunwariy naiinis para matapos na kahibangan ng luka lukang to.

"Eto na sir.. Excited?? Luluwas???" Bakas ko sa muka ni cheska ang tila nahihiya sa sasabihin niya, kung hindi pera ang kailangan niya? Ano naman kaya?

"Ohh ano sasabihin mo ba o sasabihin mo?"
Medyo pagsusuplado kong sagot, wala naman siyang choice sa pagpipilian niya sa sinabi ko kaya obligado ding sabihin niya sakin.

"Eh kasi besty ano kasi... Ihhh asharrr nemen nahihiya ang beauty ko beyen!"

"Ayy nako iska, bahala ka diyan" aakma na kong tatayo sa hapag kainan dahil muka namang walang balak magsalita ang lukaret ng biglang tumunog ang Cellphone niya.

"Hello Railey" dinig ko kay Cheska? Gusto ko sana pakinggan kung ano ang pag uusapan nila sa kabilang linya, pero minabuti ko na lang na tumayo upang kumuha ng tubig sa may ref, biglang pumasok sa isip ko ang pangalan na binanggit niya..

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now