Chapter 44 (Bagong Kasama)

2K 77 4
                                    

"Ayyy jusko po marimar na kinulot ng sampong ulit! Anong ganap? Anong nangyayari sa mundong ito! Kung alam ko lang ganito ang mangyayari sana di nako umalis sa mundo naming mga diwata! Nakakaloka! Kailangan nyo magpaliwanag saking dalawa! Iniwan nyo ko kasama ng matabang sunog na baboy nato! My gosh! Its getting into my nerves!"

"Magbestfriend nga kayo!"- Railey

"Ulol shut up!" -Aivan

"Iska, tumahimik ka! Mamaya ko sasabihin ang lahat kung bakit ko kaya pinasunod dito! Kaya mabuti pang bumalik na tayo sa bahay nila Mang Resty!"

"Sana binalikan nyo nalang ako kay Papa Anthony ko! Sigurado kong namimiss na nya ko! But wait, Pinsan bat parang pumopogi ka yata? Inlove lang ganern?"

"Can you please stop talking a non sense thing Iska!"

"Pumopogi ka nga penge namang bente! Uhaw na uhaw na kasi ang katawang lupa ko!"

"Sa bahay ka na kumain at uminom malapit lanh naman dito bahay nila Mang Resty!"

---------------

"Mang Resty pasensya na ho kayo sa abala ahh, si Iska nga po pala pinsan ko, at si Chivas ho kaibigan namin!"

"Ayy hello po... Maganda pa po ako sa gabi, kamusta po kayo? Ayyy bongga!! Tyo Ricardo?? Rea??? Anong ginagawa nyo dito?  Ano ito reunion?"

"Ate Iska!!!!! Kamusta? Di ko po alam kung ano meron eh kay Kuya nalang po kayo magtanong!"

"Muka ngang madaming ipapaliwanag sakin yang kuya mo! Pssttt Railey! Halika nga dito!"

"Ano??? Bakit???"

"Ihhhh sino yung pogi na yun oh!"

"Ayan.. Ayan nga ba sinasabi ko eh.. Di ba ma Anthony ka na?"

"Break na kami... Di ko pala talaga sya mahal!"

"Letseee ka!!!!"

"Iho, iha, kumain muna kayo! At marami tayong pag uusapan." -Mang Resty

------------

"So ang ibig nyo bang sabihin ay patay na ang sakim na pamangkin ni Enrico?"

"Opo, at nawala din po ang isa naming kaibigan dahil sa kasakiman ng mga pamangkin ni Don Enrico, akala ho namin ay tapos na ang lahat pero na uumpisa palang po pala."

"Hindi mo pa ba alam ang tungkol sayo at kay Don Enrico kung bakit sayo pinagkatiwala ang kayamanan nya at ang Mansion."

"Alam ko na po kanina lang, pinakita at inilahad po sakin lahat ni Aling Estrella at upang maka sigurado ay kinumpirma ko po kay Tatay!"

"Si Estrella???? Ricardo.... Kailangan mo ng gumawa ng aksyon! Batid kong hindi nagin maganda ang ugnayan nyo ng Ama mo, pero buhay ng mga anak at pamilya mo ang nakasalalay dito!"

"Alam ko ho Mang Resty! Hindi ko ho alam na umabot na sa ganito, siguro ay panahon na rin upang harapin ko ang mga pinsan ko, tiyuhin at tiyahin ko!"

"Ricardo, batid kong alam mo na ang gagawin mo, ngunit ang mga batang ito'y malaking tulong sainyo ng anak mo para magtagumpay kayo sa pangangalaga ng naiwan ng Ama mo!"

"May tanong ho ako Mang Resty?"

"Ano yun Railey?"

"Kilala nyo po ba si Anthony?"

"Si Anthony na apo ni Estrella? Ang pinsan mo ba ang iyong tinutukoy?"

"Opo sya nga po, lumapit ho sya sa amin at inilahad nya ho sakin ang mga sinabi ni Don Enrico sakin, bagamat tama ang mga impormasyon na sinabi nya ay kakaiba ang pakiramdam ko kay Anthony."

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon