Chapter 33 (Journey to Death)

2.5K 101 4
                                    

"Teka bro! Alam mo ba kung saan sila magkikita nung Berdugo na yun? -Tommy

"Patay! Dun ako pumalpak- pero ang pagkakadinig ko kanina sa Mansyon ng matanda!"

"Eh alam mo ba kung saan yung Mansyon?"

"Hindi!"

"Nalintikan na oo!"

"Tawagan mo si babaeng patpat!" - Chivas

"Oo nga bro baka alam ni Iska yun?"

"Oo nga! Pero magtataka yun kung bakit ko tinatanong kung saan ang Mansyon ng matanda na yun?"

"Tinamaan ng lintik ayy! Pano yan?"

"Bahala na, bilisan nalang natin! Mahahanap din natin yun! Alam ko ang bahay nila Railey, sigurado ko na malapit lang din dun yun!"

"Oh yun pala eh! Ayos!"

This will be a long journey for us again! I dont know kung ano ang mangyayari pero hindi ko pwede pabayaan naman si Railey! At game na game din naman ang mga kaibigan ko!
Alam ko din na magagalit si Railey kapag nalaman pa nyang sumunod ako at nagsama pa ko! Pero alam ko din na hindi nya kakayaning mag isa.

------

"Aray ko beh!!! Susmaryosep na buhay itech oo! Ang sarap manaksak ahh!! My gosh I cant imagine my life, bat ba ko sumakay pa sa compartment nato! Walang hangin! Walang aircon! Amoy bulok! Ang sikip! Ayoko ng masikip! Ayaw ko ng mabaho! Ayaw ko ng marumi! Ayaw ko ng putik!!! Maricel Soriano "Soltera" charottt!!! Konting tiis lang mga beh! Maganda pa din naman ako! Kailangan kasama ko sa adventure nato noh! Edi ang boring ng story kapag wala ako! Charr!!

-----

"Chivas naghihilik ka ba?"

"Umm hindi ahh! Di pa ko tulog nakapikit lang ako!"

"E sino yung humihilik? Ang lakas naman!"

"May naririnig ba kayo! Wala naman ako naririnig eh!"-- chivas

"Baka guni-guni ko lang yun! Sige ipahinga mo yang katawan mo at mamaya ikaw ang ipapain namin kay Berdugo!"

"Teka lang naman! Malayo na ba tayo?"

"Oo bakit?"

"Nakalimutan ko! Papasama nga pala si Nanay sa palengke!"

"Hahahaha gunggong! Wag mo pahalatang natatakot ka Chivas! Dahil baka mamaya pag nakita ka nila di sila matakot sayo!"

---------------

"Bat kaya di nagrereply si Aivan? Nagtampo kaya o nagalit sakin? Maiintindihan naman nya ko siguro! Ayaw ko lang madamay pa siya sa gulo!
Magbabayad ka sakin Berdugo! Wag na wag mo sasaktan ang kapatid ko! Magkikita tayo sa impyerno!
Ilang oras nalang at mararating ko na din ang Mansyon! Patawarin mo ko Lolo pero buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito kapalit ng kayamanan mo! Pasensya na at hindi ko kayang pangalagaan ang bilin mo!
Masyadong ganid at silaw sa pera ang pamangkin mo!

Even Cheska! Hindi sumasagot sa tawag ko o message ko! Ano kaya ginagawa ng dalawang yun! Alam kong walang alam si Iska pero alam ko din na nag aalala sakin si Aivan! Pero patawad Bro! Ayoko malagay ka sa alanganin.

Hindi ko na din namalayan na nakatulog pala ako sa byahe at ng magising ako ay malapit na sa terminal ng bus papunta sa amin! Isang sakay nalang ng jeep at mararating ko na ang Mansyon! Medyo madilim na din at nakakaramdam na din ako ng gutom, kaya minabuti ko nalang na dumaan sa tindahan ng lomi para may lakas ako kahit papano kung sakaling magkapwersahan kami ni Berdugo.

--------------

"Pare pare!!! Di ba si Railey yung naglalakad na yan? O bat ka huminto?"

"Oo si Railey nga! Di nya pwede malaman na sumunod tayo!"

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now