Chapter 49 (Ang unang Susi)

1.8K 78 6
                                    

"Makinig kayong lahat! Hindi sapat ang ating lakas at wala tayong armas para labanan ang mga taong nasa likod ng lahat ng toh! Ngunit alam kong matatalino kayo, hindi kayo pwedeng magtago na lang ng magtago at walang ginagawa."

"Tama si Mang Resty! Anak! Haharapin ko na ang mga kamag anak ko! Tingin ko ay panahon na din para ako ang mangalaga sa iniwan ni Papa." -Mang Ricardo

"Kung ganon ay sasama ako!"

"Ako din tutulong ako" -Anthony

"Sasamahan kita kahit ano mangyari!"-Aivan

"Tutulong din ako sainyo!"- Red

"Syemprenesss di mawawala sa eksena ang beauty ko! Hello, rampa kung rampa" -Iska

"Maiwan nalang ako dito!"-Chivas

"Sige ka bahala ka! Ituturo namin kung nasan ka!" -Iska

"Sabi ko sasama din ako!"-Chivas

"Kung ganon ay pagplanuhan natin to ng maigi! Aivan tulungan mo ko!"

"Ba-bakit ako?"

"Alam kong dito ka magaling! May kakayahan ka mag isip ng mga bagay na alam mong makakabuti para sa lahat."

"Susubukan ko!"

-------------

"Chivas ikaw ang magbabantay sa sasakyan sa labas, kung sakaling magkahabulan ay standby ka lang sa labas ng Mansyon!"

"Okay copy!"-Chivas

"Red at Anthony dun kayo dadaan sa may likod, alam mo naman Anthony ang pasikot sikot mansyon hindi ba?"

"Sige ako ng bahala dyan!"-Anthony

"Mang Ricardo! Sasama po kayo samin ni Railey! Sa harap po ang daan natin!"

"Hindi ba delikado kung sa harap tayo dadaan?"-Mang Ricardo

"Naisip ko na po yan Tatay Ricardo, delikado kung sa delikado dahil mga tauhan nila ang sasalubong sa atin duon o maaaring ang mga pinsan o tiyuhin mo mismo."

"Kung ganon ay bakit tayo duon daraan?"

"Dahil hindi nila kayo kayang saktan habang hawak ni Aivan ang susi, hanggat wala silang nakukuha sainyo!"

"Oo nga po Tay! Tama si Aivan!"

"Ehh ako bestie? Sama ko kila Red at Anthony! Ahh!"

"Hindi... Maiiwan ka dito!"

"Ayy grabe sya! Kailangan nyo rin ako! Buong buhay ko at puso ko inaalay ko sainyo tapos sasabihin mo sakin maiwan ako dito! Bakit ???? Naisip mo ba habang nilulustay mo ang mga perang pinadala ko, habang hinihithit mo ang sigarilyo mo! Naisip mo ba kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang may maipadala sainyo!!!! Ohhhh Vilma Santos! Title: ANAK!! Wag kayong ano!"

"Okay! Maiwan ka dito!"

"Ayy pisting giatay ayy!!! Sasama ako!"

"Maiwan ka sa sasakyan kasama ni Chivas!"

"Ayyy bat dyan sa panget na palaka na yan ako sasama?? My Gosh Aivan you are getting into my nerves! No!!!!"

"So youcm choose! Maiwan ka dito o sasama ka!"

"Grabe ka naman kasi sakin!!!! Sa dami dami ng sasamahan ko dyan pa talaga sa mukang ketongin na yan!"

"Okay bukas ng umaga ang alis natin, mahihirapan tayo kung gabi tayo pupunta dun!"

"Mag iingat kayong lahat! Ingatan nyo ang apo ko!"

"Opo Mang Resty! Ako ho ang bahala kay Red!"-Railey

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon