Chapter 52 (Aireen and Her Family)

1.6K 74 11
                                    

"Please fasten your seatbelt as we are going to arrived now at NAIA INTERNATIONAL AIRPORT!"
Nakakamiss pala ang Pinas! Ngunit hindi ko pa din alam kung san ako pupunta, bahala na! Hotel o sa mga beach! Kung saan dalin ng paa.
Parang ang tagal na ng nakakalipas mula ng mangyari ang mga bagay na parang kelan lang namin pinagdaanan.
Hindi ko maisip na hahantong sa ganito ang lahat, ang unang lalaking minahal ko ay nabigo ko at alam kong nagdulot ako ng malaking sugat at sakit sa puso nya. Sana balang araw umaasa ko na mapatawad nya ko sa kung ano mang kasalanan ko pero alam kong imposible lahat ng yun.

------------------

"Iska bilisan mo! Malalate tayo!"

"Heto na nga oh! Sobra naman kasi excited mo, di pa naman kayo mamanhikan, ipapakilala ka palang naman nyang Aireen mo sa Pamilya nya!"

"Syempre naman! Ngayon ang dating ng parents ni Aireen galing sa America kaya medyo kinakabahan din ako!"

"Bat naman kasi kailangang kasama pa ko, para may chimay ka ganun?"

"Para naman may supporter ako, pero ayusin mo sarili mo ahh wag kang echosero!"

"Di ko pa namemeet yang Aireen na yan ahh! May kilala din kasi kong Aireen!"

"Magkaiba yun? Saka sinong Aireen ba yan?"

"Yung kapatid ni Be-----"

"Hello?? Hon.. Sorry! Papunta na kami! Sige na ingat ka I love you!" Iska tara na papunta na daw sila Aireen sa Resto."

"K fine eto na oh!"

---------------

"Nandito na tayo!"

"Ay ang bongga susyalen ang resto ahh! Pang mayaman!"

"Okay lang ba itsura ko? Inhale!! Exhale!!! Medyo kinakabahan kasi ko eh!"

"Chillax lang! Andito pinsan mong seksi at maganda! Kaya push na! O ano!!! Tara na??"

"Tara!"

----------------

"Hello po Good Evening po! Please have a seat Sir, Ma'am."- Railey

"Thank you iho!

"Hon dito ka na maupo!"-Railey

"Thanks Hon." -Aireen

"Mom,Dad si Railey po pala, Boyfriend ko po!"

"Nice to meet you Iho, you know what Aireen told a lot of things about you!"

"Salamat po... Nice to meet you din po Sir/Ma'am"

"Masyado ka namang Formal Iho, you can call Us tito and tita"

"Si-sige po..Si Cheska nga po pala, pinsan ko po."

"Nice to meet you Cheska, You're so adorable."

"Salamat po Ma'am..Hindi naman po very light lang po."

"Hon si....."

"Iska right??"-Aireen

"Magkakilala kayo??!"-Railey

"Hehehe... Pinsan... Kinakabahan ako pwede ba kong umalis muna?" Pabulong ko kay Railey

"Ahh.. Ehh... Ano kasi... Oo.. Ay hi-hindi pala."

"Should we order first para makakain tayo? Medyo gutom din kasi kami alam nyo na may jet-log pa yata kami."

"Sige po.."

"Excuse me po.. CR lang po muna ako!"-Iska

----------

Oh my gosh!! Ohh my gosh.... Wait wait!!! Si Aireen... Ang Kapatid ni Bestie ang Girlfriend ni Railey? Ngayon ko lang din nameet ang Mudra at Pudra ni Bestie! Kung ganon... Kung umuwi sila ay di kaya umuwi din si Aivan?? Ayyy my gosh naloloka ako...
Pano ko papaliwanag kay Railey na magkapatid si Aivan at Aireen???
Ayyyyy kyemerut iskemberlu! Naloka na ang kapayapaan sa mundong earth!! Jusko po!!! Pano ba to!!! Tyak ko na magagalit si Railey kapag nalaman nya na ang Girlfriend nya ay kapatid ni Aivan na dati nyang Boyfriend..

I'm Inlove with the WRONG personTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon