Chapter 43 (Si Red at Mang Resty)

2.1K 82 5
                                    

"Iba ang pakiramdam mo sa mga pangyayari Jobee ko!"

"Bakit? Ano bang nararamdaman mo?"

"Basta iba ang pakiramdam ko! Kailangan natin umuwi na agad!"

"Naguguluhan ako saiyo at sa pamilya mo! ang gulo nyo!"

"Alam ko! Kahit ako ay naguguluhan din! Masyadong magulo ang lahat! Pero sa ngayon hindi yan ang dapat ko pagtuunan ng pansin!"

"Kung ganun ano?"

"Si Anthony! Iba ang pakiramdam ko kay Anthony!"

"Pinsan mo yun!"

"Pinsan ko! Na hindi ko kilala! Ni hindi ko kilala kung anong klase syang tao! Pero ang mga gustong pumatay sakin, satin ay tiyuhin ko!"

"Sabagay may point ka naman! Kung ganun e bilisan na natin!"

---------
Hindi ko alam kung dapat ko paniwalaan ang lahat ng mga narinig ko kay Aling Estrella pero nandun ang litrato ng Tatay ko kasama ng lolo ko pano ko ipapaliwanag ang bagay na yun?
Tama si Aling Estrella si Tatay lang ang makakasagot ng lahat!

"Sandali Aivan!"

"Bakit?"

"Dumaan tayo kila Tatay!"

"Masusunod mahal kong Boyfriend!"

"Gago!!"

"Abay gago pa ko ngayon?!"

"O edi gunggong!"

"Mas gunggong ka!"

"Wala akong pake! Basta isa lang alam ko?"

"Ano???"

"Na mahal kita!"

"Hahaha ulol!"

-----------

"Oh Railey iho? Gabing gabi na ahh??"

"Tay?? May gusto ho sana ako itanong sainyo?"

"Pumasok na muna kayo sa loob at dun tayo mag usap?"

"Tay? Anong tungkol kay Don Enrico? Sino si Don Enrico?"

"Ba-bakit mo naman naitanong yan? Diba't nasabi ko na saiyo ang bagay na yan noon?"

"Ano mo si Don Enrico?"

"Anak??? Anong sinasabi mo?"

"Tay sagutin nyo na lang po ako? Ano mo si Don Enrico? Sino si Don Enrico?"

"Anak Railey! Patay na ang taong binabanggit mo?"

"Opo tay pero napakaraming bagay ang iniwan nya sakin! Mga responsibilidad na hindi ko maintindihan? At bakit may litrato kayong dalawa ni Don Enrico nung bata kapa?"

"San mo naman nakita ang mga yan?"

"Sinabi sakin lahat ni Aling Estrella ang tiyahin mo!"

"Anak! Railey!"

"Tay! Sabihin nyo na po ang totoo kasi po pare parehas tayong nalalagay sa panganib?"

"Panganib? Anong panganib?"

"Tay! Hinahanap ako ngayon ng mga pinsan mo! Dahil alam nila na sakin pinagkatiwala ni Don Enrico ang kayamanang hinahabol nila.."

"Bakit mo tinanggap????"

"Dahil wala akong alam Tay! Kaya ngayon sabihin nyo na po sakin ang totoo dahil wala na kong magagawa!"

"Lolo mo Si Don Enrico! Tatay ko sya!"

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now