Chapter 14 (Whisper Game)

3.7K 115 14
                                    


"Kung naiilang ka makipagpalit ka ng upuan kay Cheska."

"Bakit ako?"

"Nakakahiya naman kasi sayo kung ako pa di ba?"

"Hindi na, hayaan mo na."

"Kanina ka pa kasi galaw ng galaw dyan, di ka mapakali, first time mo sumakay ng plane?"

"Hindi."

"E bat para kang natatae dyan di ka mapakali."

"Wala...."

"Kung gusto mo lumipat ng upuan kausapin mo yung pinsan mo."

"Wag na... okay na, medyo naiinip lang."

"So??"

"Wala... laro nalang tayo?"

"Gago ka ba? Bat ako makikipaglaro sayo? Bata ka ba?"

"Eh nakakainip eh!"

"Edi matulog kang tukmol ka, para kang bata!"

"Sige na laro na lang tayo?"

"Taena naman Railey, ang kulit mo naman."

"Saglit lang naman."

"Ano bang laro yan? Gago ka pag yan di maganda ihuhulog kita dito sa eroplano."

(Nabasa ko na yung laro nato kaya gusto ko subukan lol muka naman kasing exciting)

"Bulungan tayo ang mapikon talo."

"Huh??? Nauulol ka na ba?"

"Hindi... pikon ka kasi eh, kaya alam ko matatalo ka at di ka papayag di ba?"

"You dont know who you are dealing with."

"Oh ano game?"

"Okay ano ang mechanics?"

"Bulungan lang tayo kapag napikon at nagsalita ng masama talo na"

"Then?"

"Kapag natalo ako, i will be your servant, kapag natalo ka, you have to treat me in one of the luxurious hotel in Palawan for one night!"

"Gago ka ba? Bat ko sasayangin ang pera ko sayo?"

"E ano gusto mo? Wala naman ako idedeal na pera sayo, kaya I will be your servant nalang hanggat kasama mo ko!"

Railey is daring me in this game, hindi ko naman kailangan makipag laro sa mokong nato pero mukang may sense naman kahit papano yung deal niya if ever na ako ang manalo, Railey is playing his cards, so I will be playing mine as well.

"Okay"

"Sige, mauna ka!"

"Ikaw na mauna, ikaw nakaalam ng laro nato diba?"

"Okay ready ka na ba?"

"Umpisahan mo na dami mo pa sinasabi?"

He was very close to me at medyo naiilang ako, well I have to consider it dahil pano nga naman siya bubulong sa tenga ko if di siya lalapit sakin.

"Ang gwapo ko at ang Hot ko Aivan"

"Ulol.... Nagbuhat ka ng sarili mong bangko!"

"Ooppssss.... 1 point for me!"

"Huh??? Bakit?"

"Di ba sabi ko bawal ang foul or bad words?"

"Langya pala, game na ba yun?"

"Okay sige, now you know pagbibigyan kita, ano ready na ulit."

"Okay"

"Type ko yung Ex mo na si Wendy, pwede bang makuha siya kahit isang gabi lang?"

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now