Chapter45 (Is this the New Journey?)

2K 83 3
                                    

The time has come para malaman ang puno't dulo ng lahat ng gulong ito, kailangan naming gawin to para matigil na sa kasamaan at kasakiman ang mga tiyuhin ko.
Hindi ko gagawin to para lang sa sarili ko, kundi para sa mga taong mahal ko.

Masyadong masukal at liblib kung saan nakatira si Mang Juancho ang isa sa kapatid ng Lolo Enrico.
We didnt expect na ganito ang magiging journey namin, ang gusto ko lang naman ay makapamuhay ng maayos, ng walang gulo at kapahamakan.
Pero nandito na eh, nangyari na ang dapat mangyari, may mga tao na din na nag alay ng buhay.

"Bro pwede ba magtanong?"- Red (while we are walking papunta sa bahay nila Mang Juancho.)

"Ano yun pre?"

"Gaano na kayo katagal?"

"Huh?? Katagal nino?"

"Si Aivan? Gaano na kayo katagal?"

"Huh... Pare! Anong ibig mong sabihin?"

"Pre, wag mo na itanggi, malakas ang radar ko sa mga ganyang bagay, sa mga tinginan nyo palang ni Aivan pare alam ko na."

"Ganun ba?? Mabuti pang si Aivan nalang ang tanungin mo sa bagay na yan!"

"Wag ka mag alala pare, naiintindihan kita, naiintindihan ko kayo, alam kong walang alam ang mga kasama mo! Ganyan din ako noon, nung naging boyfriend ko si Tyron, tinago lang namin lahat, lahat lahat hanggang sa mawala siya!"

"Ohhh... Nagka boyfriend ka na? Asan siya?"

"Wala na! Matagal na din yun mga 4 na taon na nakakaraan mula ng mawala si Tyron."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala na siya, iniwan na nya ko at di na babalik pa kahit kelan, alam kong masaya na din sya kung nasan man sya ngayon, hindi lang namin nagawa ang mga bagay na gusto pa naming gawin na magkasama at mga pangarap na gusto naming buuin, ni hindi na din namin nasabi sa Pamilya namin ang tungkol samin, maaga siyang kinuha sakin ni Lord eh."

"Ganun ba pare, pasensya na! Di ko- di ko alam eh!"

"Okay lang yun! Matagal na din naman yun, pero hanggang ngayon di ko sya nakakalimutan."

"Anong plano mo? Balak mo pa ba sabihin sa Lolo mo!?"

"Hindi na, para saan pa? Wala naman na si Tyron, saka masaya na din ako sa kung anong meron ako ngayon."

"Eyyyyyy------ anong pinag uusapan nyo?" -Aivan

"Ahhh wala! Oh ano tapos na ba kayo mag away ni Iska?"

"Ewan ko sa pinsan mo!"

"Cute nyong tingnang dalawa, bagay na bagay kayo!"-Red

"Huh???? Anong sinasabi mo pre?"- Aivan

"May itinatanong si Red, sabi ko ay ikaw nalang ang tanungin."

"Ano yun pre?"

"Ahh hindi, wag nalang!"

"Ganun ba, sige ikaw bahala! Malayo pa ba tayo? Kanina pa tayo naglalakad eh."

"Sundan nalang natin sila Lolo sya lang naman anh nakakaalam ng pupuntahan natin eh."

"Ano pa nga ba? Wala naman tayong magagawa!"

------

"Mukang nandito na tayo, nakakapagtaka lang at hindi na ito tulad ng dati, nawala na ang mga malalaking puno sa paligid ng bahay ni Juancho!"

"Kamusta na kaya si Tiyo Juancho?"

"Bakit hindi natin pasukin ang tiyuhin mo Ricardo!"

---------

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now