Chapter 48 (Sino ang Taksil)

1.9K 73 6
                                    

"Sandali lang ho at tatawagin ko si Lola!"

"Sige iha maraming salamat!"

"Maupo po muna kayo, mukang mahalaga ang pakay nyo kay lola pasing pero matagal na ho sya tumigil sa panghuhula."

"Pakisabi mo nalang iha na kaibigan nya ako, si Resty!"

"Sige po sandali lang po at tatawagin ko sya."

---------

"Resty????!!! Ikaw ba yan? Anong sadya mo sa akin at mukang importante ang pakay mo at ang dami mong kasama."

"Pasing... Ako nga ito! Salamat naman sa Diyos at parehas tayong malakas pa, at nagtagpo tayong muli, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Pasing, ikaw talaga ang sadya namin! Kilala mo si Enrico hindi ba?"

"Oo si Enrico! Kalunos lunos ang sinapit ng kaibigan nating si Enrico dahil wala ni isa man lang sa pamilya nya ang nag alaga sa kanya bago sya bawian ng buhay."

"Mali ka Pasing... Kasama ko ngayon ang Anak ni Enrico.. Si Ricardo at ang nag alaga sakanya bago sya mawalan ng buhay tao ang kanyang apo na si Railey at Anthony! Kasama ng mga kaibigan nya!"

"Kung ganon ay ano ang maipaglilingkod ko sainyo?"

"Pasing! Kailangan namin ng tulong mo! Lahat kami ngayon ay nalalagay sa panganib dahilan ng may mga taong nagtatangka sa aming buhay! Gusto ko sana malaman kung bakit at paano kami natutunton ng mga halang na bituka ng mga tao na yun?"

"Resty! Alam mo ng matagal ko ng hindi ginagawa ang bagay na yan! Subalit kaya ba kitang tanggihan. Sandali lamang at kukunin ko ang aking baraha!"

"Salamat Pasing! Salamat!"

"Hala sige maupo muna kayo dyan at ipag gagayak ko kayo ng makakain ninyo!"

"Wag ka na mag abala Pasing! Pasensya ka na at sa muli nating pagkikita ay isang pabor pa ang kailangan ko sayo!"

"Resty! Malaki ang naitulong mo sa akin at sa mga apo ko kaya hindi kita kayang hindi-an, sandali lamang at akoy papanaog muna!"

---------

"Ano ang iyong ngalan? Ikaw magandang dalaga?"

"Ow my gosh!!! Tinawag nya kong maganda! Lab ettt!!! Sabi sainyo eh maganda talaga ko eh!" -iska

"Wag kang assuming malabo na mata nyan oh!" -Railey

"Shut up! Kalabaw!!!! Ahmm Cheska po Lola.. Iska nalang po for short!"

"At ikaw ihong naka pula?"

"Sya ang apo ko Pasing si Red!"-Resty

"Red po Lola Pasing! Akala ko po ay natatandaan nyo pa ako!"

"Ikaw naba si Red? Anong gandang lalaki mo, ganyang ganyan kakisig ang Lolo mo noong araw! Sayang nga lang at hindi kami ang nagkatuluyan!"

"Hahahaha Pasing naman! Matanda na tayo! Nakakahiya sa mga bata!"

"Nagbibiro lamang ako, at ikaw naman pogi na naka Dilaw?"

"Anthony po.. Lola."

"Mang Resty bakit kailangan nya tanungin at malaman ang aming mga pangalan?"-Railey

"Lahat ng nanonood sakanya ay kailangan nyang malaman ang mga pangalan upang mas maipakita nya at masabi sa atin ng tama ang mga bagay na gusto nating malaman!"

"Hanepp kakaiba si Lola ah!"

"At ikaw ang anak ni Enrico na si Ricardo tama ba?"

"Ako nga po aling Pasing!"

I'm Inlove with the WRONG personWhere stories live. Discover now